DPA ni Bernard Taguinod KAILAN kaya magkaroon ng tuloy-tuloy na programa sa ating Inang Bayan kahit bago ang presidente at namumuno sa isang ahensya tulad ng Department of Tourism (DOT) na ngayon ay nasasangkot sa kontrobersiya, upang maiwasan ang panibagong gastos sa isang pautot na palpak naman? Napapansin ng lahat na sa tuwing may bagong pangulo at secretary ng DOT ay binabago ang slogan ng ahensya para i-promote ang mga tourist spot sa Pilipinas at makahikayat ng mga dayuhang turista na pasyalan ang ating bansa. Tuwing binabago ang slogan ay…
Read MoreCategory: OPINYON
POSITIBO AT NEGATIBONG DULOT NG SOCIAL MEDIA
PUNA ni Joel Amongo SA positibo, maraming mga kababayan natin ngayon ang nagkaroon ng pagkakakitaan dahil sa social media apps. Nariyan ang libu-libong motorcycle riders na nagtatrabaho sa Joyride, Grab at Angkas na kumikita ng malaki kada biyahe, ‘wag lang sila mabibiktima ng mga manlolokong kustomer. Nariyan din ang vloggers o influencers na kumikita ng malaking halaga ng pera sa kanilang pagba-vlog. Nariyan din ang online selling o pagbebenta ng mga produkto sa pamamagitan ng online, at ang online news. At ang pinakabago ngayon na pinagkakaabalahan ng mga nanay at…
Read MoreLOVE THE PHILIPPINES
CLICKBAIT ni JO BARLIZO ANG laking eskandalo ang dinulot ng binaklas na promotional video ng Department of Tourism (DOT). Nagkukumahog sila ngayon kung paano mapagtatakpan ang malaking kapalpakan sa “Love the Philippines” promotional video. Kamakailan lang, pinuna rin ang DOT dahil sa “We Give the World Our Best – The Philippines” ad na ipinaskil sa double-deck bus sa London, United Kingdom. Kasama roon ang larawan ng Filipina-British nurse na si May Parsons, ang kauna-unahang nakapagturok ng COVID-19 vaccine. Tingin kasi ng marami, posibleng isipin na patungkol sa tao ang advertisement…
Read MoreENGR. MARCELO NAWALAN NG TRABAHO KAYA NAGTAYO NG SUN PATH SOLAR POWER ENT.
Bizzness Corner ni Joy Rosaroso MARAMING naglabasan na mga solar company, ‘yung iba ay mula sa invention habang ‘yung iba, bumili ka lang papakabit lang then pwede na. Pero iba itong SUN PATH Solar Power Ent. na pagmamay-ari ng isang engineer sa katauhan ni Roman Marcelo. Nag-umpisa ito nang ma-dissolve ang solar company na pinapasukan niya at doon na nga naisipan niya na magsarili dahil ito ay related sa kanyang propesyon. Dito na nga naitatag Ang SUN PATH Solar Company Ent. Si Marcelo ay Electrical Engineer kaya nahahanay sa larangan…
Read MoreCONG. RICHARD GOMEZ NABABAGALAN SA AKSIYON NG DENR SA POLUSYON SA LEYTE!
TARGET NI KA REX CAYANONG HINDI pa pala tapos ang isyu laban kay Palompon Mayor Ramon Oñate at asawa nitong si Lourdes Oñate. Bunga pa rin ito ng matinding paglabag daw nila sa batas ng kapaligiran ng bansa. Ngunit aminado si Leyte kay 4th District Representative Richard Gomez sa panayam ng “TARGET ON AIR” sa DZME 1530, na nababagalan siya sa aksiyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kanyang reklamo. Partikular na pinaiimbestigahan ni Gomez ang DBSN Farms Agriventures Corporation na dinudumihan daw ang mga yamang tubig, lupa…
Read MoreBUNGA NG KASIPSIPAN
DPA ni BERNARD TAGUINOD SA tingin ko, bunga ng kasipsipan ng isang appointee ang isang programang nais isulong na ipapangalan sa inisyal ng kanyang appointing officer partikular na ang Pangulo. Tulad na lamang nitong Batang Busog Malusog o BBM, isang feeding program na nais isulong daw ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Lorenzo Gadon. Isa pang programa na may acronym na BBM ay ang Build Better More na patungkol naman sa pagpapatayo ng mga imprastraktura sa ilalim ng administration ni Junior. Parang tayo lang yata ang gumagawa n’yan na ipinapangalan…
Read MoreNAGLIPANG RAFFLE DRAWS SA SOCIAL MEDIA LEGAL BA?
PUNA ni JOEL AMONGO MARAMING nagtatanong sa PUNA kung legal ba o labag sa batas ang napakaraming naglabasan na raffle draws ngayon sa social media. Ang makikita nating naglipanang raffle promos sa social media ay ang mga sasakyan na motorsiklo (single), kotse, appliances, gadgets at maging pabahay. Base sa pagkakaalam natin, ang business establishments na magsasagawa ng raffle draws ay kailangan mayroon silang permit sa loob ng 30-araw bago nila isagawa ang kanilang promotional campaigns. Malaki o maliit man ang promosyon ay kailangan may permit mula sa Department of Trade…
Read MoreANG BUHAY NGA NAMAN NG TAO
KAALAMAN Ni Mike Rosario HINDI akalain ng limang kilalang mga tao na sakay ng TITAN Submersible, na huling biyahe na pala nila ang pagsisid sa kailaliman ng karagatan kung saan lumubog ang barkong Titanic. Sina OceanGate CEO Stockton Rush, Shahzada Dawood, kanyang anak na si Suleman Dawood, Hamish Harding at Paul-Henri Nargeolet ay magkakasama sa loob ng TITAN Submersible na sumisid kamakailan para tignan ang lumubog na barkong Titanic, ilang dekada na ang nakalipas. Tinatayang nasa 12,500 feet ang lalim ng kinaroroonan ng barkong Titanic na tinungo ng limang pasahero…
Read More‘LOVE THE PHILIPPINES’, DAPAT HIGIT PA SA SLOGAN
SA GANANG AKIN ni JOE ZALDARRIAGA UMANI ng iba’t ibang reaksyon lalo na sa social media, ang bagong slogan para sa pagsusulong ng turismo ng bansa na “Love the Philippines”. Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, layunin ng bagong slogan na hikayatin ang bawat Pilipino na alalahanin ang ganda ng Pilipinas, balikan ang ating kasaysayan, at magbigay ng pag-asa para sa kinabukasan. Bagama’t positibo ang layunin ng pagkakaroon ng bagong slogan, hindi maikakaila na nagkaroon ng bahagyang pagkalito patungkol sa mensahe nito batay sa magkakahalong komento at reaksyon mula sa…
Read More