DIKO GETS! ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST)
PORMAL na nga palang binuksan ng Tourism Promotions Board Philippines (TPB), marketing promotions arm ng Department of Tourism (DOT), ang 2023 edition ng Philippine Travel Exchange (PHITEX) na itinuturing na pinakamalaking government-organized travel trade event sa bansa.
Sa kanyang pagdalo sa PHITEX 2023 bilang keynote speaker, nagpahayag ng pagkalugod si Tourism Secretary Christina Garcia Frasco sa daan-daang buyer delegates mula sa 19 countries at maging sa Philippine tourism sellers at stakeholders na nagtungo sa Cebu.
“Our gratitude goes to you for your continued belief in the potential of Philippine tourism, and your love for the Philippines,” ani Frasco.
Sabi ng kalihim: “At the start of the administration of our President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., he recognized the enormous potential of tourism to be a reliable pillar for the economic resurgence of our country coming out of the pandemic and the various calamities that came upon our shores.”
Napakaganda ng pagbabalik ng on-site format ng PHITEX dahil talagang dinagsa ito ng maraming delegado.
Mula kasi nang magkaroon ng pandemya, pawang virtual at hybrid editions lamang ang isinagawa ng DOT at TPB.
Kaya naman, binabati namin ang DOT at TPB sa matagumpay nitong event.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagbibigay ng serbisyong medikal na libreng blood chem., x-ray, ecg, ultrasound, at anti-Covid-19 vaccine & booster ng mobile clinic sa pangunguna nina Dr. Raymond Tañedo at Dr. Jolab Daguro at mga medical staff ng RHU-1 at PGH para sa mga residente ng Brgy. Mabilang, Paniqui, Tarlac.
Labis din ang pasasalamat ni Brgy. Captain Elpidio Rafael at ng kanyang konseho sa libreng konsulta para sa kanilang mga kabarangay na naging posible sa pagsulong ng magandang proyektong ito ng masipag na Mayor Max Roxas at Vice Mayor Bien Roxas.
“Asahan po ninyo ang higit pang mga proyekto at programa na pakikinabangan ng bawat mamamayang Paniqueño at ang aming patuloy na paglilingkod ng tapat para sa bayan,” ayon sa Paniqui LGU.
Ikinagalak naman ng mga nagtitinda ng bigas sa bayan ang moratorium sa pagbabayad ng renta sa kanilang puwesto.
“Saludo kami kay Mayor Max dahil malaking kaginhawaan itong moratorium ng pagbabayad namin ng renta sa palengke,” wika ni Bong Fernandez, presidente ng Rice Retailers sa Municipality of Paniqui.
Batay sa anunsiyo ni Mayor Max, aba’y mula ngayong buwan ng Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon ay hindi sila sisingilin ng munisipyo sa buwanang renta ng kanilang mga puwesto sa Paniqui Public Market.
‘Yan ang serbisyong Tatak Roxas.
Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!
