Araw ng Kalayaan: Pagkakaisa sa harap ng pag-aalburuto ng Mayon

LIMANG taon na ang nakararaan magmula nang huling pagsabog ng bulkang Mayon. Ngayon ay nagbabadya na naman ang panibagong trahedya. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang bulkang Mayon ay nakataas na sa Alert level 3 o mataas na aktibidad. Sa loob ng Alert level 3, mayroon nang isang volcanic earthquake at 177 rockfall event, natatanaw na ang banaag, naglabas ng 1205 na tonelada ng sulfur dioxide, mayroong katamtamang pagsingaw, at mayroong pamamaga ng bulkan. Inirerekomenda ng PHIVOLCS na iwasang pumasok sa 6 na kilometrong radius ng…

Read More

Husay at kontribusyon ni Loyzaga sa basketball kinilala ng FIBA

SA GANANG AKIN ALAM ba ninyo na bago pa nagkaroon ng tinaguriang “the greats” tulad nina Robert “The Big J” Jaworski at Ramon “El Presidente” Fernandez ay may isang nagngangalang Carlos “The Big Difference” Loyzaga nang mamayagpag sa larangan ng basketball? Noong taong 1954, pinangunahan ni Loyzaga ang koponan ng Pilipinas at nanalo ng bronze medal sa FIBA World Championships. Kasabay nito, kinilala si Loyzaga at napabilang sa FIBA World All-Star Mythical Five. Naulit ito noong 1960 nang masungkit ng Pilipinas ang kampeonato sa FIBA Asia Championships. Dalawang beses ding…

Read More

KALIWA AT KANAN DAM

MY POINT OF BREW  MATATANDAAN na isa sa mga naging kontrobersyal na dam nitong nakaraang mga taon, ang pagtatayo ng Kaliwa Dam. Ito ay sumasakop sa lalawigan ng Rizal at Quezon upang mabigyan ng solusyon ang kakulangan ng suplay ng tubig-inumin sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan. Ang Kaliwa Dam project ay dumaan sa matinding batikos ng mga grupo na ang adhikain ay proteksyonan ang kalikasan. Kasama na rin dito ang mga katutubo na naninirahan sa Sierra Madre kung saan itatayo ang nasabing proyekto. Pinaghinalaan din ang posibleng…

Read More

PBGEN JOSE HIDALGO, JR. MASIPAG, MAAASAHANG CENTRAL LUZON PNP DIRECTOR

TARGET NI KA REX CAYANONG MARAMING hamon na kinakaharap ang Philippine National Police (PNP). Hindi iyan maitatanggi. Nandiyan ang ilang pulis na nagiging dahilan para lalong bumagsak ang imahe ng PNP. Sa mga nangyayari ngayon na kaliwa’t kanan ang kinasasangkutan ng ilan sa kanila, marami namang matitino rin. Karamihan sa mga nabubugok ay ang mga baguhan, kasabwat daw ang mga boss nila. Sinisikap naman ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na malinis ang kanilang hanay. May mga nahuli at nasasampahan ng kaso. Sa kabilang banda, marami pa rin talagang matitino…

Read More

LIVING WAGE DAPAT ISULONG

UMAKYAT sa 95.5% ang employment rate o katumbas ng 48 milyong Pilipino na may trabaho sa bansa nitong Abril, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). Kasabay nito ay bumaba sa 4.5% ang unemployment rate o katumbas ng 2.26 milyong Pilipino na walang trabaho. Kung tunay na larawang ito ng sektor ng trabaho, pwede nang ikagalak, ngunit may mga hadlang na ikokonsidera. Isa na rito ang pasubali na karamihan sa mga trabahong ibinigay ay hindi nag-aalok ng sahod na sapat para ikabuhay ng pamilya ng manggagawa. Nakaka-engganyo ang tantiyang…

Read More

BALIKBAYAN BOXES NA INABANDONA NG ALLWIN CARGO, MARAMI PA RING NAWAWALA

RAPIDO NI TULFO PATULOY kaming nakatatanggap ng mensahe mula sa mga OFW natin sa bansang Dubai, UAE. Marami pa umano sa kanilang pamilya ang hindi pa natatanggap ang mga bagaheng inilabas ng Bureau of Customs, ilang buwan na ang nakalilipas. Hanggang ngayon kasi ay nagtataka pa rin ang inyong lingkod kung bakit nanalo sa bidding ng balikbayan boxes ang Association of Bidders of the Bureau of Customs (ABBC), sa pangunguna ni Robert Uy. Sa pagkakaalam ko ay tanging ang mga inabandona ng mga “may-ari ng container” ang dapat na isinasailalim…

Read More

Iligal na sugal motibo sa pagpatay kay Cris Bunduquin?

BALYADOR RONALD BULA INIHATID na kahapon (June 8, 2023) sa kanyang huling hantungan si pareng Cris Bunduquin, ang radio broadcaster na tumuligsa sa mga tiwaling politiko at talamak na iligal na sugal sa Oriental Mindoro. Iyan ang ilan sa nakikitang dahilan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director, Undersecretary Paul Gutierrez, para itumba ang komentaristang si Crecenciano “Cris” Bunduquin, 50 taong gulang, may asawa at mga anak, blocktimer ng DWXR 101.7 Kalahi FM sa Calapan City, Oriental Mindoro, noong Mayo 31. Si Bunduquin ay pinagbabaril ng riding-in-tandem…

Read More

KALIWA’T KANAN ANG MGA PROYEKTO NINA CONG. SONNY LAGON AT GOV. HELEN TAN!

TARGET NI KA REX CAYANONG NOON pa’y kilala nang tumutulong sa ating mga kababayan ang Ako Bisaya Party-list. Kahit saang sulok ng bansa, dinarayo nila. Ayaw nilang makitang nahihirapan sa buhay ang mga Pinoy. Kamakailan nga, ang Ako Bisaya ay nag-donate ng brand new na covered court na nagkakahalaga ng P5 milyon sa Sitio Bongbongan, Brgy. San Antonio, Tapaz, Capiz. Kung hindi ako nagkakamali, present naman sa inagurasyon at turnover ceremony ang ilang barangay officials ng Brgy. San Antonio at maging si Tapaz Mayor Roberto “Nonong” Palomar at iba pang municipality…

Read More

TALO NA TAYO SA PLASTIC

AMINADO ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi nananaig ang bansa laban sa single-use plastics. Ayon kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, ang isang araw na basurang nalilikha ay tumaas sa 61,000 metric tons mula sa 16,000 MT noong 2016. Batay sa pinakahuling datos ng DENR-Environmental Management Bureau data, halos 12 percent o 7,090 MT ng kabuuang basura kada araw ay plastik. Nahihirapan silang makahanap ng ipapalit sa plastik dahil sa tibay ng single-use plastics at presyo. Ano ang pagsasaliksik na ginagawa ng DENR upang matukoy ang…

Read More