CLICKBAIT ni Jo Barlizo HINDI masisisi ang mga pribadong depositor ng Land Bank kung i-withdraw o tuluyang isara nila ang kanilang savings account sa naturang bangko dahil sa pangambang mawala ang kanilang pinaghirapang ipon dahil sa Maharlika Investment Fund. Ramdam ng mga depositor na nasa panganib ang kanilang pinagsikapang ipunin, kahit pa may mga pangkalmang panghikayat ang pamahalaan na ligtas at protektado ang nakalagak na pera, at hindi magagamit sa korapsyon. Kahit anong hikayat, at kahit tadtarin ng pamahalaan ng mga pang-engganyong paliwanag na matatag ang LBP dahil ito ay…
Read MoreCategory: OPINYON
MEDIA KILLINGS SUMASALAMIN NGA BA SA PEACE & ORDER PROBLEM?
PUNA ni Joel Amongo UNA sa lahat ay nakikidalamhati po ang PUNA sa iniwang pamilya ng ating kasamahang media na pinatay sa Oriental Mindoro kamakailan. Kinokondena po natin ang pagpaslang sa kanya ng riding-in tandem daw na mga salarin, ayon sa ating natanggap na impormasyon. Base sa impormasyon ng pulisya, pasado alas-4 ng madaling-araw noong Mayo 31, 2023, si Cresenciano ‘Cris’ Bundoquin, blocktimer ng isang radio station sa Oriental Mindoro, nang dumating sa kanyang inuupahang tindahan ng manok sa Brgy. Sta. Isabel sa nasabing siyudad kasama ng kanyang anak na…
Read MoreSANA HUWAG SILANG LALONG TAMARIN
DPA ni Bernard Taguinod WALA tayong problema na tulungan ang poorest of the poor sa ating bansa na makatawid sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan dahil responsibilidad naman talaga ng gobyerno na tulungan ang mamamayan. Tiyakin lang na hindi magagamit ang food stamp na ito sa kanilang bisyo tulad ng sugal, sigarilyo at alak dahil maraming 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program beneficiaries ang nakababad sa tong-its. Naging dahilan din ang programang ito para tamarin ang karamihan sa 4Ps beneficiaries sa paghahanap ng trabaho dahil ang iniisip nila may buwanang ayuda…
Read MoreDURAFRESH PH NAGTAGUMPAY SA PANAHON NG PANDEMYA
Bizzness Corner ni Joy Rosaroso ANO ba itong Durafresh Philippines? Maraming produkto itong Durafresh, gaya ng pang-spray sa bibig, toothpaste at meron din pampaputi ng kilikili, oral rinse na All Natural Organic pero ang teknolohiya ay nagmula pa sa bansang America. Itinatag ang Durafresh Philippines Distribution noong 2020. Ang teknolohiya ng US na kasama nito na nagpapatingkad sa mga karaniwang produkto ng consumers oral at personal na pangangalaga para sa pagtataguyod ng pangkalahatang kalusugan at kaayusan. Sa patuloy na paggamit ng mga produkto ng Durafresh, ginagawang mas malusog ang inyong…
Read MoreLALONG UMUUNLAD ANG SAN RAFAEL, BULACAN
TARGET NI KA REX CAYANONG LALONG gumaganda ang business climate sa San Rafael, Bulacan na pinamumunuan ni Mayor Mark Cholo I. Violago. Kaya dumarami ang mga nagnenegosyo. Siyempre, nadagdagan din ang mga sangay ng government offices dito. Sa katunayan, kamakailan ay isinagawa ang seremonya ng pagbabasbas at pagpapasinaya ng bagong Land Transportation Office (LTO) District Office na matatagpuan sa Brgy. Sampaloc sa bayan ng San Rafael. Doon ay ipinaabot ni Violago ang taos-puso niyang pagbati at mensahe sa mga kawani ng ahensya. “Ang bagong gusali ay pormal na pinasinayaan ni…
Read MoreMARAMING NAKASAWSAW SA FOOD STAMP PROGRAM
IMINUNGKAHI ng isang mambabatas na isama ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang planong food stamp program sa pagsisikap ng Department of Agriculture (DA) na palawakin ang merkado para sa mga produkto ng lokal na sakahan. Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, ang food stamps ay programang pang-agrikultura at layon nitong idugtong ang mga sobrang produkto sa kulang sa pagkain na kabihasnan. Matutugunan nito ang kahirapan sa mga urbano at rural na pook. Aniya, halos 30 porsiyento ng mga magsasaka ay mahirap kaya para masustinehan ang programa ay…
Read MorePBBM, ANO NA?
PUNA ni Joel Amongo BAGAMA’T ngayong katapusan pa ng buwan, o sa Hunyo 30, mag-iisang taon sa panunungkulan si PBBM ay hinahanapan na siya ng kanyang mga nagawa. Napansin ng ilan na simula nang pumasok ang administrasyon ni PBBM noong nakaraang Hunyo 30, 2022 at hanggang ngayon ay nagbalikan na ang illegal na droga sa bansa. Ayon sa sumbong sa PUNA, sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay halos 60% ng illegal aktibidad sa droga ang nabawas, subalit sa pagpasok ni PBBM ay ‘back to normal’ ang kanilang illegal…
Read MoreMAY KALAYAAN PA BA ANG MEDIA SA PINAS?
KAALAMAN Ni Mike Rosario MINSAN nang nabansagan na pinakadelikadong lugar ang Pilipinas para sa mga media practitioner dahil sa dami nang napapatay sa aming mga kasamahan. Nag-ugat ang bansag na ito matapos ang naganap ang Maguindanao Massacre, ilang taon na ang nakalilipas. Sa mahigit 52 katao na napatay sa karumal-dumal na krimen na ito, nasa 32 ang mula sa hanay ng media. Pangunahing mga suspek sa krimen na ito ay ang pamilyang Ampatuan na kilalang political lord sa Mindanao na namayagpag ng maraming taon. Ang pangyayaring ito ay hindi na…
Read MoreKUMUSTA NA ANG TIMBANGAN NG BAYAN LAW?
DPA ni Bernard Taguinod MAG-IISANG taon na sa July 26, 2023 ang Republic Act (RA) 11706 o Timbangan ng Bayan Law kaya nagtatanong tayo, kumusta na ang batas na ito at naiimplementa na ba? Kasi sa ngayon, wala tayong nakikitang ng timbangan centers sa public at private markets para malaman ng mga consumer kung tama ba ang timbang ng mga pinamili nila. Ginawa ang nasabing batas dahil maraming mandurugas na retailers sa mga public market kung saan binubutingting nila ang kanilang timbangan para dayain ang consumers at mapalaki ang kanilang…
Read More