LISENSYADONG PASANG-AWA

NILINAW ni Health Secretary Ted Herbosa na hindi lahat ng lumagapak sa nursing board exam ay tatanggapin sa mga ospital ng gobyerno. Iyon lamang muntik nang makapasa o nakakuha ng iskor na 70% hanggang 74% ang maaaring makapagtrabaho sa mga pampublikong pagamutan. Sumang-ayon na umano si Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa mungkahi at nangako na makikipag-ugnayan sa Professional Regulation Commission (PRC) upang mabigyan ng temporary licenses ang kwalipikadong nursing graduates. Sakaling nakapasa na ang mga ito sa pagsusulit, papipirmahin sila sa kasunduan na magseserbisyo sa pamahalaan sa loob ng apat…

Read More

TUNGGALIAN NG TAGUIG AT MAKATI PARANG KALYE SERYE

CLICKBAIT ni Jo Barlizo MAY nangangamba, may pabor at nasasabik sa pinal na desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing ang Taguig ang may territorial jurisdiction sa 729 ektaryang Fort Bonifacio Military Reservation kabilang ang Bonifacio Global City(BGC) at ang “embo barangays”. Hati ang Makatizens. Nangangamba ang ilang residente na maaapektuhan ng paglipat ng kanilang address dahil sa mga programang ibinibigay ng Makati sa mga residente partikular ang mga senior citizen, estudyante at solo parents. Gayunman, hindi naman daw lahat ay nabibigyan ng benepisyo kaya nasasabik silang mabago ang pamumuno. Gusto…

Read More

The Scales Coffee: Hilig sa kape ginawang negosyo

Bizzness Corner BAKIT may mga taong ‘di yata mabubuhay kung walang kape. Sabi nga ‘coffee is life’. Itong scales coffee ay itinatag Ng taon 2021. Bakit kape? Kasi mahilig sa kape ang may-ari ng The Scales coffee kagaya ng karamihan sa atin. Parang ‘di Kumpleto ang araw kung hindi magkakape. Tiningnan din nila ang coffee market sa merkado at na-realize nila na walang masyadong representation ang Pilipinas. Ayon sa kanila, masarap naman ang kape natin lalo na ‘yung bagong laga, maaamoy mo sa umaga. Ano ba ang pagkakaiba ng The…

Read More

MAKATIZENS WATAK-WATAK DAHIL KAY BINAY?

TARGET NI KA REX CAYANONG HATI na raw talaga ang mga Makatizen sa usapin ng territorial dispute sa pagitan ng Taguig at Makati. Hindi matapos-tapos ang isyung ito. Ayon sa nakalap nating impormasyon, aba’y hindi raw pala suportado ng mga Makatizen si City Mayor Abby Binay sa pahayag nitong ituloy ang laban. Ito’y may kinalaman pa rin sa isyu ng paglilipat ng 10 barangay sa hurisdiksyon ng Taguig. Paano nga naman kasi, ang totoo’y marami ang nais na talagang mag-over-the-bakod. Siyempre, ang kanilang dahilan ay makaiwas na sa sobrang pamumulitika…

Read More

LRT-1, 2 FARE HIKE ‘DI NA MAPIPIGILAN

HINDI na nga mapipigilan ang implementasyon ng pagtataas ng pasahe sa Rail lines LRT-1 and LRT-2 simula sa Agosto 2. Ayon sa statement nitong Lunes na inilabas ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, ang fare adjustment ay magpapabuti sa serbisyo, amenities and technical capacities ng LRT-1 and LRT-2. “We at the Department of Transportation believe that this fare adjustment will contribute to maintaining affordable mass transportation services for the two commuter-train lines,” aniya. Sinabi ni Aquino, sa nasabing fare adjustment, maglalaan ang LRTA ng tinatayang…

Read More

KUMAKALAT NA PETISYON SA EMBO KANINONG INISYATIBO?

 CLICKBAIT MAY pinal na desisyon na ang Korte Suprema, ngunit nakararamdam pa rin ng kalituhan at kalungkutan ang mga apektadong residente ng Enlisted Men Barrio (Embo) barangays. Malamang ito ang buod ng isang petition letter na kumakalat ngayon sa Enlisted Men Barrio (Embo) Barangay sa Makati City kung saan hinihimok ang mga residente na lumagda para iakyat ang usapin ng Makati-Taguig territorial dispute sa Kongreso. Layunin ng petisyon na mangalap ng sapat na lagda para pakinggan ang petisyon ng mga mambabatas dahil ayon sa sulat ay may kapangyarihan ang Kongreso…

Read More

IDIRETSO SA MAGSASAKA

DPA Bernard Taguinod KUNG talagang nais ng gobyerno na matulungan ang mga magsasaka lalo na ‘yung maliliit at nakikisaka lang ay idiretso sa kanila ang tulong at huwag nang idaan sa local executives. Tulad na lamang nitong 20,000 bags ng abono na inilimos, este donasyon daw ng China sa Pilipinas, dapat itong ideretso sa mga magsasaka at ‘yung maliliit ang bigyan at hindi ‘yung may malalawak na taniman. Open secret na sa ibaba na kapag may grasya sa mga magsasaka mula sa national government, ay idinadaan sa local executives dahil…

Read More

SUGAL ANG DAHILAN NG PAGPATAY CRIS BUNDUQUIN?

KAALAMAN Ni Mike Rosario SADYANG pinatahimik daw ang ating kasamahan na si Cresenciano “Cris” Bunduquin, broadcaster ng radio station dwXR 101.7 Kalahi FM and online radio MUX, na pinagbabaril ng riding in tandem sa Calapan City sa Oriental Mindoro kamakailan. Ayon sa ating natanggap na impormasyon, si Cris, kasama ng kanyang isang anak, habang nag-aayos ng kanilang tindahan sa C5 Road, Brgy. Sta. Isabel, Calapan City noong Mayo 31, 2023, nang may dumating na motorsiklo at bigla siyang pinagbabaril ng angkas nito. Tinamaan ng mga bala mula sa caliber .45…

Read More

MAKATI BRGY. OFFICIALS GINIGIPIT ANG KANILANG CONSTITUENTS NA PUMABOR SA TAGUIG?

PUNA Joel Amongo TALI na ang kamay ni Makati City Mayor Abby Binay sa isyu ng Taguig-Makati territorial dispute, hindi na n’ya maaaring gawin ang kanyang matatapang at hayagang pagsasapubliko ng kanyang komento hinggil sa usapin dahil maaari na itong kasuhan ng contempt of court ng Korte Suprema, kaya naman ang mga alipores na nito ang siyang gumagawa ng “dirty tactics” at “delaying tactics” para hindi maipatupad ang desisyon na nag-uutos na ilipat sa Taguig ang hurisdiksyon ng 10 barangay na nasa Makati City. Ang sinasabi kong “dirty tactics” ay…

Read More