MY POINT OF BREW MATATANDAAN na isa sa mga naging kontrobersyal na dam nitong nakaraang mga taon, ang pagtatayo ng Kaliwa Dam. Ito ay sumasakop sa lalawigan ng Rizal at Quezon upang mabigyan ng solusyon ang kakulangan ng suplay ng tubig-inumin sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan. Ang Kaliwa Dam project ay dumaan sa matinding batikos ng mga grupo na ang adhikain ay proteksyonan ang kalikasan. Kasama na rin dito ang mga katutubo na naninirahan sa Sierra Madre kung saan itatayo ang nasabing proyekto. Pinaghinalaan din ang posibleng…
Read MoreCategory: OPINYON
PBGEN JOSE HIDALGO, JR. MASIPAG, MAAASAHANG CENTRAL LUZON PNP DIRECTOR
TARGET NI KA REX CAYANONG MARAMING hamon na kinakaharap ang Philippine National Police (PNP). Hindi iyan maitatanggi. Nandiyan ang ilang pulis na nagiging dahilan para lalong bumagsak ang imahe ng PNP. Sa mga nangyayari ngayon na kaliwa’t kanan ang kinasasangkutan ng ilan sa kanila, marami namang matitino rin. Karamihan sa mga nabubugok ay ang mga baguhan, kasabwat daw ang mga boss nila. Sinisikap naman ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na malinis ang kanilang hanay. May mga nahuli at nasasampahan ng kaso. Sa kabilang banda, marami pa rin talagang matitino…
Read MoreLIVING WAGE DAPAT ISULONG
UMAKYAT sa 95.5% ang employment rate o katumbas ng 48 milyong Pilipino na may trabaho sa bansa nitong Abril, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). Kasabay nito ay bumaba sa 4.5% ang unemployment rate o katumbas ng 2.26 milyong Pilipino na walang trabaho. Kung tunay na larawang ito ng sektor ng trabaho, pwede nang ikagalak, ngunit may mga hadlang na ikokonsidera. Isa na rito ang pasubali na karamihan sa mga trabahong ibinigay ay hindi nag-aalok ng sahod na sapat para ikabuhay ng pamilya ng manggagawa. Nakaka-engganyo ang tantiyang…
Read MoreBALIKBAYAN BOXES NA INABANDONA NG ALLWIN CARGO, MARAMI PA RING NAWAWALA
RAPIDO NI TULFO PATULOY kaming nakatatanggap ng mensahe mula sa mga OFW natin sa bansang Dubai, UAE. Marami pa umano sa kanilang pamilya ang hindi pa natatanggap ang mga bagaheng inilabas ng Bureau of Customs, ilang buwan na ang nakalilipas. Hanggang ngayon kasi ay nagtataka pa rin ang inyong lingkod kung bakit nanalo sa bidding ng balikbayan boxes ang Association of Bidders of the Bureau of Customs (ABBC), sa pangunguna ni Robert Uy. Sa pagkakaalam ko ay tanging ang mga inabandona ng mga “may-ari ng container” ang dapat na isinasailalim…
Read MoreIligal na sugal motibo sa pagpatay kay Cris Bunduquin?
BALYADOR RONALD BULA INIHATID na kahapon (June 8, 2023) sa kanyang huling hantungan si pareng Cris Bunduquin, ang radio broadcaster na tumuligsa sa mga tiwaling politiko at talamak na iligal na sugal sa Oriental Mindoro. Iyan ang ilan sa nakikitang dahilan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director, Undersecretary Paul Gutierrez, para itumba ang komentaristang si Crecenciano “Cris” Bunduquin, 50 taong gulang, may asawa at mga anak, blocktimer ng DWXR 101.7 Kalahi FM sa Calapan City, Oriental Mindoro, noong Mayo 31. Si Bunduquin ay pinagbabaril ng riding-in-tandem…
Read MoreKALIWA’T KANAN ANG MGA PROYEKTO NINA CONG. SONNY LAGON AT GOV. HELEN TAN!
TARGET NI KA REX CAYANONG NOON pa’y kilala nang tumutulong sa ating mga kababayan ang Ako Bisaya Party-list. Kahit saang sulok ng bansa, dinarayo nila. Ayaw nilang makitang nahihirapan sa buhay ang mga Pinoy. Kamakailan nga, ang Ako Bisaya ay nag-donate ng brand new na covered court na nagkakahalaga ng P5 milyon sa Sitio Bongbongan, Brgy. San Antonio, Tapaz, Capiz. Kung hindi ako nagkakamali, present naman sa inagurasyon at turnover ceremony ang ilang barangay officials ng Brgy. San Antonio at maging si Tapaz Mayor Roberto “Nonong” Palomar at iba pang municipality…
Read MoreTALO NA TAYO SA PLASTIC
AMINADO ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi nananaig ang bansa laban sa single-use plastics. Ayon kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, ang isang araw na basurang nalilikha ay tumaas sa 61,000 metric tons mula sa 16,000 MT noong 2016. Batay sa pinakahuling datos ng DENR-Environmental Management Bureau data, halos 12 percent o 7,090 MT ng kabuuang basura kada araw ay plastik. Nahihirapan silang makahanap ng ipapalit sa plastik dahil sa tibay ng single-use plastics at presyo. Ano ang pagsasaliksik na ginagawa ng DENR upang matukoy ang…
Read MoreBAKA MAUWI SA BANK RUN
CLICKBAIT ni Jo Barlizo HINDI masisisi ang mga pribadong depositor ng Land Bank kung i-withdraw o tuluyang isara nila ang kanilang savings account sa naturang bangko dahil sa pangambang mawala ang kanilang pinaghirapang ipon dahil sa Maharlika Investment Fund. Ramdam ng mga depositor na nasa panganib ang kanilang pinagsikapang ipunin, kahit pa may mga pangkalmang panghikayat ang pamahalaan na ligtas at protektado ang nakalagak na pera, at hindi magagamit sa korapsyon. Kahit anong hikayat, at kahit tadtarin ng pamahalaan ng mga pang-engganyong paliwanag na matatag ang LBP dahil ito ay…
Read MoreMEDIA KILLINGS SUMASALAMIN NGA BA SA PEACE & ORDER PROBLEM?
PUNA ni Joel Amongo UNA sa lahat ay nakikidalamhati po ang PUNA sa iniwang pamilya ng ating kasamahang media na pinatay sa Oriental Mindoro kamakailan. Kinokondena po natin ang pagpaslang sa kanya ng riding-in tandem daw na mga salarin, ayon sa ating natanggap na impormasyon. Base sa impormasyon ng pulisya, pasado alas-4 ng madaling-araw noong Mayo 31, 2023, si Cresenciano ‘Cris’ Bundoquin, blocktimer ng isang radio station sa Oriental Mindoro, nang dumating sa kanyang inuupahang tindahan ng manok sa Brgy. Sta. Isabel sa nasabing siyudad kasama ng kanyang anak na…
Read More