SUGALAN NI “ALYAS MANI” SA BULACAN, TIMBRADO SA NBI?

BALYADOR ni RONALD BULA TILA ubod ng lakas ang impluwensiya ng isang alyas “MANI” na may inuumagang sugal sa lalawigan ng Bulacan. Ang salot na maintainer ng mga puwesto ng pijong sugal na drop ball, color games, roleta at iba, pa ay nagmamalaki na nakatimbre ang sugalan niya sa lokal na kapulisan ng Bulacan maging sa tanggapan ni National Bureau of Investigation (NBI) Central Luzon Regional Office (NBI-CELRO) acting Regional Director Eleanor Rachel M. Angeles. Nais ko lang iparating kay Angeles kung may katotohanan ba itong pagmamalaki ni alyas “Mani” na…

Read More

SENATOR KUYA BONG GO HINIRANG BILANG ‘MOST EXEMPLARY PHILANTHROPIC LEADER OF THE NATION’

TARGET NI KA REX CAYANONG HINIRANG bilang “Most Exemplary Philanthropic Leader of the Nation” si Senator Bong Go sa kauna-unahang Gawad Agila Awards ng Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Okada Elite Eagles Club. Sa kanyang video message, taos-pusong nagpasalamat si Go sa award-giving body. Dito’y binigyang diin na ang kanyang natanggap na parangal ay nagpapakita ng kanyang bahagi sa pagtugon sa pagresolba sa iba’t ibang isyu sa bansa. Ang award ni Go ay tinanggap ni Philip Salvador nitong Abril 29 sa Okada Manila. Kung hindi ako nagkakamali, ang Gawad Agila ay…

Read More

HINDI KASI MAAGAP UMAKSYON

KUNG may natutuwa, tiyak din na marami ang nagmamaktol sa usaping may kinalaman sa inaaral na muling paggamit ng face mask. Hati na naman ang sambayanan sa isyung ito na madali namang resolbahin kung agad na aaksyunan at dedesisyunan ng pamahalaan nang buong katatagan at katapatan. Ngunit, hindi agad tinutugunan ng administrasyong Marcos Jr. ang ilang importanteng isyu na nakataya ang benepisyo, kapakanan, seguridad at kaligtasan ng mamamayan. Aantayin munang maglabas ng saloobin ang mga apektado bago kumilos. Kung ramdam na ang perwisyo saka na ihahakbang ang mga paa para…

Read More

WALANG SILBING BATAS

DPA ni BERNARD TAGUINOD BUKOD sa executive orders at proclamations, halos 12,000 na ang Republic Acts (RA) mayroon ang Pilipinas at patuloy itong nadadagdagan dahil walang tigil ang Kongreso sa paggawa ng batas. Pero ang nakalulungkot na katotohanan, maraming RA ang walang silbi dahil hindi naipatutupad, hindi ko alam kung sa kawalan ba ng budget o marami lang talagang incompetent sa gobyerno kasama na ang Kongreso. Tulad na lamang nitong Republic Act (RA) 6716 o Rainwater Collection and Springs Development Law of 1989 na mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas…

Read More

PARUSAHAN ANG DAPAT PARUSAHAN SA 990 KILOS NG SHABU

KAALAMAN ni Mike Rosario HINDI dapat tantanan hangga’t walang napapanagot sa nasa likod ng pag-iimbak ng 990 kilos ng shabu sa WPD Lending Company sa Maynila na pagmamay-ari ni Police Master Sergeant Rodolfo Mayor. Si Mayo ay nakatalaga sa Police Drug Enforcement Group (PDEG) na pinamumunuan ni Brig. Gen. Narciso Domingo nang mahuli siya ng mga awtoridad. Base sa impormasyon na natanggap ng KAALAMAN, nadiskubre ang 990 kilos ng shabu na nakaimbak sa WPD Company noong Oktubre 8, 2022. Sa operasyon na ito ay magkakaiba ang naging desisyon ng mga…

Read More

PAGLULUKSA SA ARAW NG MANGGAGAWA

TALIWAS sa nakalipas na mga panahon, sakdal dusa ang handog ng pamahalaan sa hanay ng mga obrero sa mismong Araw ng Manggagawa. Ang giit na dagdag-sahod, hayagang tinabla sa kabila nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado. Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, pinag-aaralan pa rin ng pamahalaan ang walong nakabinbing petisyon para sa dagdag-sweldo ng mga obrero. Pero teka, gaano katagal ba ang kailangan para mapagtanto ng gobyerno ang epekto ng walang puknat na pagtaas ng presyo ng lahat ng mga bilihin sa mga…

Read More

IKA-5 SUNOD NA TAONG PAGKILALA SA PLDT BILANG MAY PINAKAMABILIS NA SERBISYO NG INTERNET SA BANSA

SA GANANG AKIN TAYO ay namumuhay sa panahon kung saan marami sa atin ay dumedepende sa modernong teknolohiya gaya ng internet upang mas mapabilis at mapagaan ang ating mga pang araw-araw na gawain lalo na sa larangan ng komunikasyon. Kaya naman hindi rin kataka-taka na itinuturing na kabilang sa pangunahing pangangailangan ng mga tao ang pagkakaroon ng mabilis na serbisyo ng internet. Batid ang hindi maitatangging katotohanang ito, ang PLDT Inc. (PLDT) bilang pinakamalaking digital service provider ng bansa, ay patuloy sa pagpapaigting at pagpapalawig ng pasilidad at serbisyo nito…

Read More

ANO NA BA ANG NANGYAYARI SA LTO?

MY POINT OF BREW MUKHANG kaliwa’t kanan ang problema ng LTO nitong mga nakalipas na buwan. Tila nahihirapan yata ang LTO na makagawa ng solusyon sa kakulangan ng suplay ng driver’s license at mga plaka ng sasakyan. Nagtataka lang ako dahil ang problemang ito ay matagal nang hinahanapan ng solusyon ng LTO noong panahon pa ng yumaong Pres. Noynoy Aquino. Kung hindi ako nagkakamali, nagsimula ang lahat na ito noong nagdesisyon ang dating Department of Transportation and Communications (DOTC) noong panahon ni PNoy, na napapanahon na baguhin ang anyo at…

Read More

KAMPANYA LABAN SA PREVENTABLE DISEASES MAS PINAIGTING SA LALAWIGAN NG QUEZON!

TARGET NI KA REX CAYANONG MAS pinaigting ng lalawigan ng Quezon ang kampanya laban sa nakaambang banta ng outbreak ng vaccine preventable diseases. Kabilang sa mga sakit na ito ay ang polio, rubella, at tigdas. Kaya ayon kay Gov. Doktora Helen Tan, isinagawa kamakailan sa bayan ng Lopez ang Measles Rubella-Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) upang mabakunahan ng mabisang panlaban ang mga bata mula sa mga nasabing sakit. Personal namang nagtungo si Gov. Tan sa aktibidad upang maiparating ang kanyang pagsuporta na malabanan at maiwasan ang nakatalang mga…

Read More