Parañaque pulis kung umaksyon mabilis

BALYADOR ni RONALD BULA MATAPOS nating ibunyag sa ating pitak ang nagaganap na kalaswaan ng ilang bahay-aliwan sa kahabaan ng Airport Road, Parañaque City ay agad na nagkasa ng operasyon ang Parañaque PNP Intelligence Division na pinamumunuan ni P/Maj Tirso T. Pascual alinsunod na rin sa direktiba ni P/Col. Renato Batoon Ocampo, Chief of Police ng lungsod, laban sa mga Disco KTV Bar na nagpapalabas ng mga malalaswang panoorin kung saan maraming babae ang naaktuhang nagsasayaw nang walang saplot ang katawan. Dahil sa ipinamalas na hakbang nina Col. Ocampo at…

Read More

ICC PROBE KONTRA DRUG WAR NI DU30

SA hudyat ng International Criminal Court, muling umarangkada ang imbestigasyon kaugnay ng madugong giyera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte – batay sa kahilingan ng tagausig ng pandaigdigang husgado. Subalit ang administrasyon hindi kumbinsido, sukdulang isakripisyo pangarap na hustisya ng libo-libong pamilya na patuloy na nangungulila sa itinumbang kaanak ng mga operatiba ng gobyerno. Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, walang dahilan para panghimasukan ng ICC ang mga usaping kaya naman ‘di umanong tugunan ng hudikatura ng bansa. Aniya pa, Nobyembre 2019 pa kumalas ang Pilipinas sa ICC bilang…

Read More

ICC PROBE VS. WAR ON DRUGS PAGSASAYANG NG ORAS AT PONDO

TARGET NI KA REX CAYANONG TULOY ang panghihimasok ng International Criminal Court (ICC) sa justice system ng Pilipinas. Pinag-iinitan nito ang war on drugs campaign ng dating administrasyon. Ngunit muling binigyang-diin ng Department of Justice (DOJ) na hindi kailangan ng ICC na makialam dito. Sabi nga ni DOJ Spokesperson Attorney Mico Clavano, pinoprotektahan lamang ng justice department ang sovereignty rights ng bansa. Karamihan sa mga nasyon ay kailangan ang ICC dahil may mga bansang hindi naipatutupad ang mga batas. Siyempre, makakaasa naman ang taumbayan na gagampanan ng DOJ ang kanilang…

Read More

DISKARTE NI MMDA GM ARTES SA PASAWAY NA RIDERS, AKMANG-AKMA

SA GANANG AKIN Joe Zaldarriaga ISA sa pangunahing problema ng bansa ang matinding bagal ng daloy ng trapiko. Ilang administrasyon na ang nagdaan ngunit ang suliraning ito ay naririto pa rin. Hindi tuloy masisisi na mismong mamamayan na ang gumawa ng paraan upang hindi masayang ang kanilang oras at pagod sa pagkaipit sa trapiko sa pamamagitan ng paggamit ng motorsiklo. Sa madaling salita, mismong ang lagay ng trapiko sa bansa ang nagtulak pataas sa demand para sa mga motorsiklo. Dahil marami ang nagnanais magkaroon nito, hindi naman masisisi ang mga…

Read More

HARASSMENT KAY CONG. TEVES DAPAT TINGNAN NG PALASYO

BISTADOR Ni Rudy Sim TILA pambabraso at nagagamit sa pulitika ang ating pulisya laban kay Negros Oriental, 3rd District Rep. Arnie Teves Jr. matapos ang nakakadudang naging aksyon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na nagpalabas ng isang Praise Release kung saan ay idinetalye na nagkaroon umano ng problema sa dokumento ng mambabatas na kanyang isinumite para sa kanyang personal firearms kaya’t ni-revoke ang karapatan nitong magdala ng sandata upang ipagtanggol ang sarili sa anomang panganib. May kinalaman kaya rito ang pagpalag ng mambabatas sa umano’y intelligence reports na…

Read More

AHUNIN SILA SA UTANG

MARANGAL na propesyon ang pagtuturo sapagkat nagbibigay ito ng kaalaman sa mga estudyante, at gabay at inspirasyon upang magsikap ang mga tinuturuan na abutin ang malaking tagumpay at karangalan. Ngunit ang mga nasa pundasyon ng pagtuturo ay nabubuhay lang sa karangalan ng propesyon, hindi sa ginhawang naibalik sa kanila sa pagtupad ng tungkulin. Halos kalahati ng public school teachers ang mayroong malaking utang sa GSIS at iba pang financial at lending institution bunsod ng kawalan ng batas na nagtataguyod sa kanilang kapakanan. Ipinabatid ito ni Vladimir Queta, Chairperson ng Alliance…

Read More

MGA MANLOLOKO SA UAE, KARAMIHAN KAPWA PINOY DIN (PART 2)

RAPIDO NI TULFO NAPAKARAMI naming natatanggap na reklamo mula sa mga kababayan nating OFW sa United Arab Emirates. Hindi lang reklamo sa cargo kundi mga naloko sa pera ng mismong mga kababayan natin. Isa na dito ang isang kababayan nating nagpakilalang ahente ng kilalang bakasyunan sa UAE na ang pangalan ay “Disyerto”. Isang grupo ng mga OFW ang umano’y nakuhanan nya ng nasa 8,000AED o P120,000 para sa 2 nights stay sa nasabing bakasyunan nuong bisperas ng Bagong Taon ng 2023. Ayon sa grupo ng mga OFW, 3 pamilya silang…

Read More

MAYOR HENRY JOEL TEVES LAGING MAAASAHAN NG NAUJAN

TARGET NI KA REX CAYANONG TINATAYANG 20 bagyo ang tumatama sa bansa kada taon. Mapaminsala ang karamihan sa mga delubyong ito. Siyempre, marami ang namamatay at malaki ang pinsalang iniiwan. Kahit taun-taon ay dumadalaw ang mga bagyo, marami pa rin daw ang hindi nakapaghahanda. Aba’y maski ang national government ay hindi perpekto at hindi sa lahat ng panahon ay may sapat na kahandaan. Saka pa lamang nagpaplano kung kailan nagbabanta na ang pagtama ng bagyo. Ang resulta, marami ang napapahamak at namamatay. Ngunit iba itong si Mayor Henry Joel Teves…

Read More

KARAOKE BAR SA PARAÑAQUE MISTULANG CASA?

BALYADOR ni RONALD BULA KARAOKE BAR pero mistula umanong casa ang isang establisimyento na matatagpuan sa kahabaan ng Airport Road St. sa Baclaran, Parañaque City, ayon sa isang concerned citizen. Aniya naging parokyano siya sa lugar at nakapag-VIP sa ARCHO-II videoke bar, wala na aniyang alak sa VIP at sa halaga umanong P2,500 kasama na diumano ang babae kung saan “all the way” aniya ang labanan. Front lamang umano ang pagte-teybol kunwari sa baba at kapag may kausap na babae o GRO dun na iaalok ang umano’y panandaliang aliw o…

Read More