MY POINT OF BREW Ni JERA SISON SIMULA nang nakaupo bilang pangulo si Ferdinand “Bongbong’ Marcos Jr., ang isyu tungkol sa pagtatalaga at pagkumpleto ng mga presidential appointments ay hindi pa natatapos. Kalahating taon na ang nakalipas, halos hindi pa nabubuo ang mga posisyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Isama na atin ang mga board members, commissioners at director ng ibang opisina ng ating pamahalaan. Nagreresulta ito sa mabagal na serbisyo at aksyon sa mga programa ng pamahalaan. Hanggang ngayon ay wala pang malinaw kung sino ang mamumuno sa…
Read MoreCategory: OPINYON
TIPS SA MGA GIPIT
CLICKBAIT Ni JO BARLIZO WALA namang pagpipilian ang maraming Pilipino kundi pagkasyahin ang nasa bulsa para kahit paano ay maging masaya sa paghihiwalay ng taon. Hindi kailangan ng mga Pinoy ang payo ng pangulo ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association na dapat gumawa ng listahan ang mga mamimili upang mas makatipid at hindi basta-basta kumuha ng mga produkto. Mas lalong walang saysay ang listahan nila na pwedeng ipahiram sa mga customer na naglalaman daw ng tips na maaaring sundin sa pamimili partikular ngayong selebrasyon ng Bagong Taon. Mayroon pa ring mabibili…
Read MorePINAKAMALALAKING BALITA NG TAONG 2022!
RAPIDO Ni PATRICK TULFO SA pagtatapos ng taong 2022, isa sa mga ina-abangan nating mga Pilipino ay ang pinakamalalaking balita na nag-iwan ng marka sa taong kasulukuyan. Nandiyan ang pagdaan ng Bagyong Karding na nag-iwan ng malaking pinsala sa mga lalawigan dito sa Luzon. Ang magnitude 7 na lindol na ang epicenter ay sa Abra province na nagdulot ng malaking pinsala sa maraming mga istraktura sa naturang lalawigan at maging sa kalapit na lalawigan nitong Ilocos Sur. Ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa, dulot ng giyera…
Read MoreHOLIDAY JOY HANDOG NG PITMASTER FOUNDATION
SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG ANG taong 2022 ay maituturing na makabuluhan at may hatid na biyaya ng pag-asa para sa Pitmaster Foundation Philippines. Ito’y bunsod ng kaliwa’t kanang tagumpay at tulong na naibalik ng grupo sa mga komunidad. Marami rin itong nabagong buhay at natulungan ngayong holiday season at nitong mga nakaraang taon. Noong Pasko, aba’y namahagi naman ang Pitmaster ng relief goods sa libo-libong tao sa evacuation centers sa Gingoog City, Misamis Oriental. Nasa 6,908 families o katumbas ng 34,081 individuals ang napilitang lumikas dahil sa…
Read MoreHAPPY NEW YEAR!
IPAGDIWANG natin ang katapusan dahil ang kasunod nito ay bagong kaganapan. Nakapaghanda na ba kayo ng pang-Media Noche? Dalawang tulog na lang, bagong taon na. Kanya-kanya nang gimik at paghahanda ang publiko sa pagsalubong sa bagong taon. Year of the Rabbit ang 2023. Ang rabbit ay simbolo ng kapayapaan, swerte, kasaganaan, tagumpay at taong puno ng pag-asa. Kaya, mapapansin sa kilos at gawi ng publiko ang kasiyahan at pananabik sa pagdiriwang ng Bagong Taon – ang panahong pansamantalang namamaalam sa isip ang pangamba, pag-aalala, at nakatuon ang atensyon sa pag-asa.…
Read MoreHAPPY NEW YEAR
DPA Ni BERNARD TAGUINOD SA Linggo ng madaling araw ay sasalubungin na natin ang taong 2023 kaya Happy New Year po sa ating lahat. Marami tayong dapat ipagpasalamat sa KANYA, unang-una ay nakaligtas tayo sa COVID-19 at buhay pa tayo. Alam kong marami tayong pinagdaanang pagsubok sa lilipas na taon at nagdaang mga taon mula nang manalasa ang pandemya pero marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat sa KANYA na nasa itaas dahil hindi NIYA tayo pinabayaan. Sabi nga ng marami, ang buhay ay “hindi bed of roses”. Marami tayong pagdaraanang…
Read MoreGEN. AZURIN, BGEN. LEE BINUBUKULAN NG CIDG REGION 3?
PUNA Ni JOEL AMONGO HINDI kaya alam nina Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Rodolfo Azurin, Jr., at Criminal Investigation and Detection Group Director BGen. Ronald Lee ang pinaggagawa ng mga miyembro ng CIDG Region 3? Mga sir, nitong 2nd week ng Disyembre, ang mga miyembro ng CIDG Special Operation Group, sa pamumuno nina P/Maj. Baybayen, P/Lt. Roc kasama ng kanilang mga tauhan, ay pinasok ang isang bodega sa Bulacan. Idinaan lamang sa tikas nina P/Maj. Baybayen, P/Lt. Roc at ang kanilang mga tauhan ang pagpasok sa bodega dahil wala…
Read MorePAMASKO HANDOG MULA KINA MAYOR MAX ROXAS AT VICE MAYOR BIEN ROXAS NG PANIQUI, TARLAC!
SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG TUWING Pasko, hindi nawawala ang pamaskong handog ng iba’t ibang sektor. Karamihan sa kanila, parang tradisyon nang sinusunod ito. Ibig sabihin, kada taon, mayroon sila niyan. Nitong bisperas ng Pasko, aba’y umulan pala ng biyaya sa tahanan ni Mayor Max. Lahat ng mga residente na lumapit sa kanila at nagtungo sa kanilang bahay, hindi umuwi nang walang dala. “Bawat lumalabas mula sa bahay ni Mayor Max ay may bitbit na isang bag ng masarap na bigas na 5 kilos at cash na 500…
Read MoreTAONG 2023 HINDI MAGIGING MAGANDA, AYON KAY DDCAP PRESIDENT
RAPIDO NI PATRICK TULFO MATAPOS ang Pasko, nakatuon na ang atensyon ng bawat Pilipino sa darating na Bagong Taon. Sa pinakahuling survey na ginawa ng research firm na Pulse Asia ukol sa pananaw ng ilang sa atin sa pagpasok ng taong 2023, siyam sa sampung tinanong ay nagsabi na inaasahan ng mga ito na mas magiging maganda ito kaysa kasalukuyang taon. Ito ay katumbas ng 92% na positive rating. Kilala talaga tayong mga Pilipino bilang isa sa mga lahi sa buong mundo na mayroong magandang pananaw sa buhay kahit pa…
Read More