SERYOSO ANG USAPIN TUNGKOL SA TUBIG

ITO ANG TOTOO Ni VIC V. VIZCOCHO, JR. NAPAKAHALAGA ng malinis na tubig sa buhay ng tao at kung mawawala ito ay tiyak na magiging katapusan na ng mundo. Ito Ang Totoo: Tatagal ng hanggang tatlong (3) linggo ang buhay ng tao nang walang pagkain pero swerte na sa tatlo (3) o apat (4) na araw kung walang tubig na inumin, ayon sa pag-aaral ng mga eksperto. Mapalad ang Pilipinas na sagana sa mga natural na pinanggagalingan ng tubig kaya tuloy hindi sineseryoso ng marami ang posibilidad na mawala ito.…

Read More

SINO ANG ITLOG NA BUGOK SA BI-NAIA?

BISTADOR Ni RUDY SIM SIMULA pa lamang nang pumutok ang pandemya ay isa sa mga maituturing na lihim na bayani ang immigration officers na nakatalaga sa mga paliparan upang bantayan ang pagpasok at paglabas ng bansa ng mga dayuhang banta sa seguridad ng ating bansa. Marami rito ang frontliners na binawian ng buhay dahil sa COVID-19 ngunit hindi ito naging hadlang upang buong tapang na harapin ang kanilang sinumpaang tungkulin. Mayroon tayong natanggap na impormasyon mula sa mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) na patuloy na naniniwala at nagtitiwala…

Read More

DAPAT MAGING MAINGAT SA USAPIN NG DROGA

MARAMI nang dalubhasa ang nagpahayag na ang adiksyon sa droga ay health problem, ngunit ipinagpilitan na law enforcement problem ito. Malalang problema ang ilegal na droga, ngunit ang tugon ay ang decriminalization sa mga gumagamit nito upang mabawasan ang nakakulong at lumuwag ang mga presohan dahil inako na rin na health issue ang drug addiction. ‘Yan ang magkasalungat na tugon ni Senador Ronald Dela Rosa sa ­usaping ilegal na droga – noon at ngayon. Tila kambal-dila sila ni Sen. Robin Padilla na ngayon ay kumakambyo na i-decriminalize ang paggamit ng…

Read More

NURSES NA DUMULOG SA AKO OFW, NAKAUWI AT NABAYARAN NG AHENSYA

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP UNANG nailathala sa ating kolum noong Oktubre 19, 2020 ang panawagan ng pitong nurses sa Riyadh, Saudi Arabia upang sila ay makalaya sa kulungan dahil sila ay ipinakulong ng kanilang amo na nagmamay-ari ng All Care Medical Care. Nagsimula ang problema ng grupo ni Kimberly Kho dahil lamang sa kanilang pagrereklamo sa Ministry of Labor sa Saudi Arabia dahil hindi sila binabayaran nang tamang suweldo at wala ring overtime pay na ibinibigay ang kanilang employer. Dahil sa kanilang pagdulog sa gobyerno ng Saudi…

Read More

YOU CAN’T KEEP A GOOD MAN DOWN

BISTADOR Ni RUDY SIM SA kabila ng pananahimik ni ­dating Executive Secretary, Atty. Vic Rodriguez sa ilang mga malisyosong paratang laban sa kanya at paglilingkod nito sa bayan bilang isang abogado, ay tila hindi pa rin matahimik ang kaluluwa ng ilang politiko na siraan ang dating opisyal sa pamamagitan ng paghuhugas-kamay at pagbaliktad sa kanya ng Partido Federal ng Pilipinas dahil umano sa pagtataksil at pagpapabaya nito sa partido. Tila nakapagtataka ang timing ng naging aksyon ng PFP laban kay Atty. Rodriguez dahil noon pang October 5 ito nagbitiw sa…

Read More

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, MAGTATAYO NG BAGONG SCHOOL BUILDING SA BAYAN NG MULANAY -GOV. HELEN TAN

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG TUNAY na prayoridad ni ­Quezon Gov. Doktora Helen Tan ang edukasyon at marami pang sektor. Katunayan, tuloy-tuloy ang mga programa ukol dito para sa kanyang nasasakupan. Kamakailan nga, pinangunahan ni Gov. Tan ang groundbreaking ceremony ng itatayong dalawang palapag na gusali na may anim na silid-aralan para sa San Isidro Elementary School na matatagpuan sa bayan ng Mulanay. “Nagkaroon ng katuparan ang pagpapagawa ng pamahalaang panlalawigan ng bagong school building sa paaralan sa atas ni Governor Tan na nakasama sa ipinasang Supplemental Budget…

Read More

PERSONAL NA BUHAY NI SEC. TULFO, INUNGKAT SA PAGDINIG NG CA

RAPIDO Ni PATRICK TULFO NANGANGANIB na muling ma-bypass si DSWD Sec. Erwin Tulfo sa ikalawang pagkakataon, matapos na hindi makumpirma ng ­makapangyarihang Commission on Appointments (CA) na binubuo ng mga miyembro ng Senado at Mababang Kapulungan. Ang mga isyung binabato sa kalihim ay may kinalaman sa ­kanyang pagiging US citizen, conviction sa kasong libel at maging ang ­pagkaroroon nito ng sampung anak sa apat na magkakaibang babae. Ang tanong na ito ay nanggaling kay Surigao del Norte ­Representative Johnny Pimentel, na tinanong nito ang kalihim kung maayos ba ang relasyon…

Read More

NASAAN KAYO NU’NG ‘DI PA SIYA KAMPEON?

INUULAN na ng pagbati nang magwagi, ngunit nu’ng nagpupunyagi ay nawiligan lang ng wisik ang ibinahagi. Inuwi ng siyam na taong gulang na si Bince Rafael Operiano ang ­kampeonato sa 6th Eastern Asia Youth Chess Championship na ginanap sa Bangkok, Thailand. Napili si Operiano na maging kinatawan ng Pilipinas matapos ­magwagi sa Boys Under 9 category ng National Youth and School Chess ­Championship Grand Finals noong September sa Dapitan City, ­Zamboanga del Norte. Ang batang kampeon mula sa Barangay Busac, Oas Albay ay tatlong gabi umanong natulog sa airport, kasama…

Read More

6 MILYON PAMILYANG PINOY MAGKAKABAHAY NA!

OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO HINDI natin masisisi ang napakaraming mahihirap nating mga kababayan na makadama ng kalungkutan at kabiguan dahil sa araw-araw na dinaranas nilang kahirapan at iba pang mga hamon sa buhay. Likas naman sa ating mga Pilipino ang pagiging mapagtiis at handa nilang isakripisyo maging ang sarili nilang kaligayahan at kapakanan, basta makita lamang nila na naitataguyod nang maayos ang kanilang mga mahal sa buhay. Kaya naman isa sa pangunahing pangarap ng bawat magulang ay mabigyan nila ng disenteng tirahan ang kanilang pamilya. Base sa datos ng…

Read More