PAGLABAS SA PUBLIKO NI ATTY. VIC RODRIGUEZ, IKINATUWA

BISTADOR Ni RUDY SIM LABIS na ikinatuwa ng mga supporter ni Atty. Vic Rodriguez ang kanyang muling paglitaw sa publiko mula nang ito ay kusang nagbitiw sa puwesto bilang Executive Secretary ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., halos isa’t kalahating buwan na ang nakararaan. Sa official Facebook page ni Atty. Rodriguez, sinabi nito na walang dapat ipag-alala ang kanyang mga tagasuporta dahil nasa maayos na kalagayan at mabuti siyang kalusugan. Nagpaalala rin ito na mag-ingat at pairalin ang pasensya dahil sa pagbuhos ng mga taong tutungo sa mga sementeryo upang…

Read More

WALANG HABAS NA PAGSUSPINDE SA RECRUITMENT AGENCIES (Nagdudulot ng matinding dagok sa negosyo at ­pagkasira ng imahe ng Pilipinas sa ibang bansa)

Ni ATTY. DAVID CASTILLON MATINDING dagok para sa recruitment agencies ang naidulot ng mga bagong patakaran na ipinatutupad ng Welfare and Foreign Employment Branch ng Department of Migrant Workers (DMW). Sa sobrang higpit at hindi makatarungang regulasyon, ang mga may-ari ng ahensya ay nagrereklamo sa walang habas na pagsususpinde ng operasyon kahit pa labag na ito sa karapatan ng isang negosyante at hindi na napapaloob sa memorandum circulars na dati nang sinusunod ng industriya. Malayo ito sa mga regulasyon at patakaran na ipinatutupad ng POEA noong pinamumunuan pa ito ni…

Read More

PBBM AT FILIPINO TIME

MY POINT OF BREW Ni JERA SISON BAKIT ba tinawag na ‘Pilipino time’? Nagsimula ito noong panahon na sinakop tayo ng mga Amerikano. Kadalasan kasi, ang mga kausap nilang mga Pilipino ay palaging atrasado dumating sa takdang oras na pinagkasunduan. Kaya binansagan ng mga Amerikano ang kaugalian nating mga kababayan na “Filipino Time”. *** Tila hindi yata nawala ang kaugalian nating mga Pilipino hanggang ngayon. Para bang tanggap natin kapag ang kausap natin ay ‘late’ dumating sa usapan maski na umabot pa ng mahigit isang oras. *** Maaaring magtaka kayo…

Read More

RAKET SA OEC, MATULDUKAN NA KAYA?

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP PORMAL nang ilulunsad ngayong araw ni Secretary Susan “Toots” Ople ang isa sa kanyang pangunahing pangako na pagkakaroon DMW Mobile app na magagamit sa mabilis na pagkuha ng Overseas Employment Certificate o OEC. Dahil ayon nga kay Sec. Ople, hindi na kinakailangang mabawasan pa ng panahon para sa pamilya ang OFW para lamang pumila sa pagkuha ng OEC. Ito kasi ang malimit na reklamo ng mga OFW na imbes na gamitin nila ang mga araw para sa kanilang pamilya na matagal na nilang…

Read More

RAKETERA SA BI, BUHAY NA NAMAN!

BISTADOR Ni RUDY SIM NAPAKABILIS ng panahon mula noong nakaraang taon na nalaglag sa entrapment operation ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang isang liaison officer ng isang law firm na si alias “Vivian” na nahuli mismo sa loob ng isang tanggapan ng lawyer sa legal division ng Bureau of Immigration (BI), muling nabuhay na naman umano ang ilegal na raket nito sa ahensya na ngayon ay tila isang malamig nang sabaw na sinasamantalang higupin ng ilang opisyales. Nakumpiska kay Vivian ang ilang bulto ng mga…

Read More

PAG-DELIVER NG MGA INABANDONANG BAGAHE, MAS MAPABIBILIS NA SA PAGBABALIK NG DDCAP!

RAPIDO Ni PATRICK TULFO MAY magandang balita tayong natanggap na inihatid mismo sa atin ni DDCAP President Joel Longares, pabirong sinabi nito sa inyong lingkod sa ating programa sa radyo sa DZME 1530 khz noong Miyerkoles, na nagbunga na ang ­pangungulit namin sa kanya at sa Bureau of Customs. Ito ay nang muling pumasok sa eksena ang Door-to-Door Association of the Philippines (DDCAP) sa pamamahagi ng balikbayan boxes na unti-unti nang inilalabas ng BOC. Sa ating panayam kay Mr. Longares, sinabi nito na na­ging matagumpay ang kanilang pulong ni BOC…

Read More

MEDICAL AT DISASTER RELIEF EFFORTS NG PITMASTER FOUNDATION, TULOY-TULOY

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG NOONG nakaraang labas ng aking kolum, tinalakay ng inyong lingkod ang tuloy-tuloy na medical at disaster relief efforts ng Providing Indigents with Timely Medical Assistance, Service, and Targeted Emergency Relief (Pitmaster). Sabi ko nga, lalong ­nangingibabaw ngayon ang Pitmaster bilang isang ­credible national charitable organization. Siyempre, nariyan at sumusuporta sa kanila ang stakeholders o partners, kabilang ang mga lokal na komunidad. Ito ang dahilan kaya lalong sumusulong ang foundation. Nariyan ang iba’t ibang strategic initiatives na ­inilalatag ni Boss Charlie “Atong” Ang, katuwang…

Read More

PANAHON NA PARA BUMALIK SA NORMAL NA BUHAY

OPEN LINE NI BOBBY RICOHERMOSO SUPORTADO natin ang hakbang ng pamahalaang Marcos na ipagpatuloy ang pagbabalik sa normal na gawi ng buhay ng ating mamamayan sa buong bansa, kagaya noong bago manalasa ang pandemya noong 2020. Halos tatlong taon na rin naman na tayong nagtitiis na balot ng takot dahil sa epekto na dala ng COVID-19, na naging dahilan para huminto ang takbo ng buhay, nagsara ang halos lahat ng mga negosyo at naapektuhan din ang serbisyo ng gobyerno. Mabuti na lamang at desidido si Pangulong BBM na tuluyan nang…

Read More

NAGKATAMARAN NA

DPA Ni BERNARD TAGUINOD MINSANG nag-post ang kaibigang Raymond Dadpaas ng DZRH sa kanyang Twitter account hinggil sa problema ng kanyang kaanak sa Ilocos na nahihirapang makakuha ng mga taong aani sa kanyang palayan. Ang dahilan, kaya hindi makakuha ng mga tao para mag-ani sa kanyang palayan ay ­miyembro ang mga ito ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps, kaya sabi ni Raymond: masakit man pakinggan, naging tamad (na ang mga tao) dahil sa programang ito. Actually, matagal nang problema ng mga taga-probinsya ang kakulangan ng mga manggagawa mula nang…

Read More