BROWNLEE ‘DI MAGAGAMIT SA SEAG

DUDA si Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino sa pagbabago ng proseso ng Southeast Asian Games Organizing Committee hinggil sa naturalization process sa basketball. Ito’y dahil posibleng hindi makapaglaro para sa Gilas Pilipinas ang naturalized player at Barangay Ginebra import na si Justine Brownlee. “Pasok na siya (Brownlee) as naturalized player,” giit ng POC chief. “Ipinagtataka nila bakit napakabilis daw ng proseso, eh, approved na di ba?” Matatandaang nabigo ang Pilipinas madepensahan ang gintong medalya sa basketball sa Vietnam SEA Games ­matapos matalo sa Indonesia noong nakaraang taon. (ANN…

Read More

2022 PBA Commissioner’s Cup Finals KORONA IUUWI NG GINEBRA

TATAPUSIN na ng Barangay Ginebra ang 2022-23 PBA Commissioner’s Cup best-of-seven finals kontra Bay Area ngayon (Miyerkoles) sa Mall of Asia Arena. Hawak ng Gin Kings ang 3-2 bentahe ngayong Game 6 sa alas-5:45 ng hapon at isang panalo na lang ang kailangan upang makuha ang ­kampeonato. Hindi siguradong makalalaro sa Ginebra si team captain LA Tenorio sanhi ng groin injury na natamo sa first half ng laro noong Linggo, ngunit inaasahang makagagawa ng adjustments si coach Tim Cone upang tapusin na ang guest team. “We need to be ready…

Read More

SUNS MINALAS SA CAVS

NAGTULONG sina Darius Garland at Donovan Mitchell, may tig-22 puntos, sa 112-98 win ng Cleveland Cavaliers kontra host Phoenix Suns. Ikaapat na panalo ito ng Cavs sa five games at ikalawang beses tinalo ngayong linggo ang Suns matapos ang 90-88 win noong Miyerkoles. Wala sa lineup ng Phoenix sina All-Star backcourt tandem Chris Paul at Devin Booker, dahilan para sa ikaanim sunod nitong kabiguan at nine of 10, tungo sa 20-21 record, first time na mag-under .500 sa season. Sa Oklahoma City, sinamantala ni Shai Gilgeous-Alexander, may 33 points at…

Read More

JAZZ PIKON, TALO SA GRIZZLIES

TALSIK sa laro si Utah guard Jordan Clarkson matapos na muntikan na silang magrambol ng Memphis players sa FedExForum, Utah. Tinawagan ang Fil-Am player ng F2 foul matapos habulin at hampasin sa ulo si Bane nang maagawan siya ng bola sa game na pinanalunan ng Grizzlies, 123-118. Umalma si Bane at kinailangang awatin ng teammates, at si Clarkson ay hindi kinakitaan ng pagsisisi habang tinatalakan ang Grizzlies bench. Si Ja Morant, hindi lumaro sanhi ng right thigh injury, ay galit na kinompronta naman ang Jazz bench. Utah ang may pinakamaraming…

Read More

SIXERS INAKAY NI HARDEN vs PISTONS

NAGTALA ng triple-double si James Harden, 20 points, 11 rebounds at 11 assists at inakay ang Philadelphia 76ers sa 123-111 win kontra Detroit Pistons. “I hate to use this example, but when he’s playing like this, it’s like having a scoring Magic Johnson on the floor,” pahayag ni ­Sixers coach Doc Rivers patungkol kay Harden. “When he runs our team with this kind of pace and he scores and gets assists, we’re really good.” Tumulong kay Harden si Tyrese Maxey, 23 points at si Montrezl Harrell, 20 points para sa…

Read More

KD INJURED NA NAMAN!

GOOD news! Naitakbo ng Brooklyn Nets ang pahirapang 102-101 win kontra host Miami Heat, Lunes (Manila time). Ang bad news, na-injure sa kanang tuhod si Nets star Kevin Durant sa nasabing laro. Na-block ni Ben Simmons si Heat wingman Jimmy Butler, 1:05 sa third, bumagsak at sa kasamaang-palad sa tuhod mismo ni Durant. Ilang minuto ring nasa sahig si Durant habang hinihimas ang masakit na tuhod, bago nilisan ang court patungong locker room sa tulong ng mga kakampi. Matapos ang laro, sinabi ni head coach Jacque Vaughn sa mga reporter…

Read More

PBA Commissioner’s Cup Finals TENORIO TAPOS NA?

Ni ANN ENCARNACION WALANG katiyakang makalalaro si Barangay Ginebra ­veteran point guard LA Tenorio sa Game 6 ng 2022-23 PBA Commissioner’s Cup Finals bukas (Miyerkoles). Ito’y makaraang kumpirmahin ni Kings coach Tim Cone na nagtamo ang kanilang team captain ng groin injury sa 101-91 win ng Ginebra kontra Bay Area sa Game 5 ng best-of-seven finals series noong Linggo. Ayon kay Cone, natamo ni Tenorio ang injury nang bumagsak at nahaltak ang singit nito bago ang halftime. Agad nagpa-sub si Tenorio, walong segundo ang natitira sa first half. “He got…

Read More

PH FENCERS SILVER SA MALAYSIA

NAGKASYA sa pilak ang Team Pilipinas sa Southeast Asian Fencing Federation sa Kuala Lumpur, Malaysia. Pinangunahan ng individual gold medalist na si Noelito Jose ang men’s team kasama sina Miggy Bautista, Lee Ergina at Rex Dela Cruz, Jr., para sa ikalawang puwesto matapos talunin ang Indonesia, 45-32. Ngunit kinapos sila sa ginto matapos yumuko sa Vietnam sa dikitang 42-45 sa final round. Sa women’s foil team event, nagbulsa ng bronze ang mga Pinay na kinabibilangan nina Hannah Dominique Belarmino, Miyaki Capina, Mariel Flores at Janna Allysah Catantan matapos daigin ng…

Read More

ALEX EALA SASABAK SA WOMEN’S GRAND SLAM

POSITIBO si Filipina netter Alexandra “Alex” Eala sa kanyang unang pagsabak sa Women’s Grand Slam sa 2023 Australian Open. Ito’y sa kabila ng pagkabigo sa una niyang torneo ngayong taon na W60 Canberra, nang agad mapatalsik sa second round ng qualifier. Agad nagtungo ang 17-anyos na Rafa Nadal Academy scholar sa Merbourne upang makapagsanay sa pasilidad kung saan isasagawa ang main draw. “So excited to play,” post niya sa socmed. “Thank you for always having my back Rafa Nadal Academy! Vamos!” Nagwagi si Eala sa 2020 Australian Open Junior at…

Read More