SBP PROUD SA GILAS 3X3

PINURI ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang performance ng Gilas Pilipinas 3×3 squad kahit kinapos itong mag-podium finish sa FIBA 3×3 Asia Cup, Linggo sa Singapore. Tumapos sa 4th place ang Gilas 3×3 na binubuo nina PBA 3×3 Lakas ng Tatlo players Almond Vosotros, Samboy De Leon at Lervin Flores ng TNT Tropang Giga, at Joseph Eriobu ng Purefoods TJ Titans. “This is the Philippines’ best-ever finish in the FIBA 3×3 Asia Cup and a clear sign that the partnership with the PBA is working out well,” pahayag ng…

Read More

2022 AFF Women’s Championships WAWALISIN NG FILIPINAS

Ni ANN ENCARNACION MANATILING imakulada ang target ng Philippine women’s football team sa huling laro sa eliminasyon ng 2022 AFF ­Women’s Championships ngayong gabi. Inaasahang muling sasandal kina team captain Tahnnai Lauren Annis, Sarina Isabel Bolden at Quinley Mirielle Quezada ang Filipinas sa kanilang pagsipa kontra Thailand sa Rizal Memorial Coliseum. Kagagaling lang sa 4-1 pa­nalo ng Pinay booters kontra Indonesia Linggo ng gabi na nagkaloob sa kanila ng 4-0 record para sa solo liderato sa Group A bitbit ang kabuuang 12 puntos at silya sa crossover semifinals. Tinalo na…

Read More

6-STAG DERBY AARANGKADA SA JULY 14,18,28 AT 30 SA SANTA ROSA!

SABONG ON AIR NI KA REX CAYANONG Magkukrus ang landas ng mga tigasing breeders at cockers sa 6-Stag Circuit Derby na ilalarga sa state-of-the-art na sabungan na Riper Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna. Sinasabing handog ito ng Santa Rosa Cockers Alliance (SRCA) kung saan karamihan sa mga kasapi ay sasali rito. Sa Huwebes, July 14, ang simula ng pupugan sa Set A ng pa-derby ng SRCA. Tinatayang 38 members ang lalahok dito. Kung matatandaan, ang alyansa ay kabubuo pa lamang nina Dave Lao at Boy Royo. Nagsisilbi namang…

Read More

Pacquiao balik sa pagboboksing

WALANG sinumang boksingero ang umalis sa sport “sa oras na dapat na!” May mga naglakad palayong iika-ika upang muling bumalik makaraan ang ilang panahon. Ang tukso ng limpak-limpak na salapi, ­kapangyarihan, papuri at kasikatan ay ilan ­lamang sa mga kadahilanan kung bakit paulit-ulit na ­bumabalik sa ibabaw ng ring ang mga boksingero. Nangyari ito noon kay “The Greatest” ­Muhammad Ali at “Smokin” Joe Frazier, na matapos ang ­bugbugang halos kapwa nila ikamatay sa “Thrilla in Manila” noong 1975 ay patuloy pang lumaban. Maging ang maalamat na Pinoy boxer na si…

Read More

2022 FIBA 3×3 Asia Cup GILAS USAD SA SEMIS

DERETSO na ang Gilas Pilipinas men’s 3×3 squad sa semifinals ng 2022 FIBA 3×3 Asia Cup matapos ma-upset ang Mongolia, 21-20, Linggo sa Singapore. Binulaga ng Gilas ang top-seeded Mongolia sa game-winning two-pointer ni Almond Vosotros upang umabante sa last four ng torneo. Muling namalas ang ‘pusong palaban’ ng mga Pinoy nang mula sa apat na puntos na pagkakaiwan ay nakahabol at sa huli ay nakuha pa ang panalo. Sinusulat ito ay hinihintay pa ng Gilas 3×3 ang mananalo sa quarter-final game sa pagitan ng New Zealand at Japan. Ang…

Read More

Team PH sa 2022 World Games HISTORIC 1st GOLD NI TSUKII

MAKASAYSAYAN ang gold medal performance ni Filipino-Japanese karateka Junna Tsukii sa 2022 World Games sa Birmingham, Alabama. Nakakuha agad ng ginto si Tsukii sa unang pagsalang sa torneo sa women’s Kumite -50kg matapos dominahin si Yorgelis Salazar ng Venezuela, 2-0, sa final round. Ngunit bigo si Asian powerlifting champion Joyce Gail Reboton na sundan ang magandang simula ni Tsukii para sa Philippine team nang tumapos na 9th overall sa women’s heavyweight category. Si Reboton ang flag-bearer ng pambansang delegasyon na kinabibilangan din ni first and only Pinoy World Games (2017)…

Read More

Sa pagkatalo ni Magsayo vs Vargas UBOS PINOY WORLD CHAMPS

Ni VT ROMANO NADALE si Mark Magsayo ng split decision loss sa kamay ni Rey Vargas, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa Alamodome sa San Antonio, Texas. Resulta: Naagaw sa Pinoy boxer ang WBC featherweight crown, halos lima at kalahating buwan pa lamang niyang isinusuot. Umiskor sina Judges Tim Cheatham at David Sutherland 115-112 (2x) para kay Vargas at judge Jesse Reyes, 114-113 pabor kay Magsayo. Bagsak si Vargas sa ninth round nang tamaan ng right hand, subalit bigo si Magsayo ma-follow up ang Mexican fighter, na ginamit ang…

Read More

PACQUIAO KAKASA LABAN SA KOREAN MARTIAL ARTIST

SASABAK na si former 8-division world champion Manny Pacquiao sa exhibition match, gaya ng retirado na rin na si Floyd Mayweather Jr. Nabatid na sa susunod na linggo ay ­magpipirmahan na ng kontrata sina Pacquiao at South Korean martial arts instructor DK Yoo para sa exhibition match nila na gaganapin sa Disyembre 2022. “I have told you I’ll fight against one of the best fighters in the world. I tell you right now who my next opponent. I’m ­going to fight against Manny Pacquiao,” pahayag ni Yoo. Sa kanyang website…

Read More

PARKS BUENAMANO SA JAPAN B.LEAGUE

PORMAL na magsisi­mula ang 2022-23 Japan B.League season sa Setyembre 29 at unang sasalang ang Nagoya Diamond Dolphins na kinaaaniban ni Bobby Ray Parks. Makakalaban ng Diamond Dolphins ang SeaHorses Mikawa sa mismong Dolphins Arena. Anim na Filipino ­players ang natitira sa ­Japanese professional league — Parks, Thirdy Ravena (San-En ­NeoPhoenix), Kiefer Ravena (Shiga Lakes), Dwight Ramos (Levanga Hokkaido), Matthew Aquino (Shinshu Brave ­Warriors), at bagitong si Justine Baltazar (Hiroshima Dragonflies). Si Ramos, naglaro sa Toyama Grouses last season ay lumipat na sa Hokkaido at magde-debut sa Oktubre 1 kontra…

Read More