Ni VT ROMANO HINDI pinaporma ni Jayson Tatum, may 34 points kabilang ang panablang jumper sa huling 33 seconds, habang nagdagdag si Jaylen Brown ng 29, nang hiyain ng Boston Celtics ang host San Antonio Spurs, 121-116, Linggo (Manila time). Habang nasa free throw line sa first half, hinarana si Tatum ng “MVP! MVP!” chants, na sinuklian niya ng highest-scoring game sapol nang magtala ng 38 points laban sa Houston Rockets noong Disyembre 27. Walong players ng San Antonio ang may double figures sa pangunguna ng may tig-18 puntos na…
Read MoreCategory: SPORTS
INDIVIDUAL AWARDS WINALIS NG KINGS
GAYA nang inaasahan, winalis ng Gin Kings ang individual awards ng Commissioner’s Cup. Napasakamay ni Scottie Thompson ang Best Player of the Conference, habang nasungkit ni Justin Brownlee ang Best Import. Ito ang second BPC ni Thompson, ang una ay nakamit niya noong 2021 Governors’ Cup. Samantala, pangatlong Best Import award na ito ni Brownlee at pangalawa sa Commissioner’s Cup simula noong 2018. 238
Read MoreBAY AREA GUMANTI SA GINEBRA
‘NO Andrew Nicholson, no problem’ makaraang daigin ng Bay Area ang Barangay Ginebra, 94-86, Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Dahil sa panalo ng Dragons, tabla na sila ng Gin Kings (2-2) sa best-of-seven finals ng 2022-23 PBA Commissioner’s Cup. Bumida sa Dragons si Kobey Lam, nagtala ng points, nine rebounds at four assists sa Game 4. Nakatakda ang Game 5 sa Linggo sa MOA pa rin. 207
Read MoreRAPTORS BINAKBAK NG BUCKS
BUMIYAHE ang Bucks sa Toronto, nagtala si Giannis Antetokounmpo ng triple-double, 30 points, 10 assists at season-high 21 rebounds, pero ang tiebreaking 3-pointer ni Grayson Allen sa huling 11.6 seconds ng overtime ang umakay sa Milwaukee sa 104-101 win kontra Raptors. Si Antetokounmpo, naglista ng career-high 55 points sa Washington, ay may at least 40 points, 10 rebounds at five assists sa nakalipas na tatlong laro. Ang two-time MVP ay nagtala ng 7-for-18 laban sa Toronto, 1-of-3 sa 3-point range at 15-for-21 sa free throw line. Mula sa 90-69 Bucks…
Read MoreSIXERS WAGI SA OT SA PACERS
SA Philadelphia, isang go-ahead 3-pointer ang kinana ni De’Anthony Melton bago matapos ang overtime, habang umiskor si James Harden ng 26 points tungo sa 129-126 win ng Philadelphia 76ers kontra Indiana Pacers. May nalalabing 2:16 sa OT, inilagay ni Melton ang Sixers sa 125-124 lead. Tumapos siyang may 19 points sa gabing wala ang scoring leader ng team na si Joel Embiid. Kasunod ng 3-pointer ni Melton ang rim-rattling dunk ni Montrezl Harrell tungo sa 11th straight home win ng Sixers. Nagtala si Harrel ng 19 points (8-for-9 shooting). Si…
Read MoreNETS NAGKOLAPS SA BULLS
NABALEWALA ang 44-point production ni Kevin Durant matapos yumuko ang Brooklyn Nets sa Bulls, 121-112, Huwebes (Manila time) sa United Center sa Chicago. Tinuldukan din ng Bulls sa 12 ang win run ng Nets, ‘longest winning streak’ sa season, kasabay ng pagkabigong samahan ang Boston sa tuktok ng Eastern Conference. Matapos matalo noong Disyembre 4 kontra Celtics, inilista ng Nets ang nasabing win streak. Nag-ambag si Kyrie Irving ng 25 points, habang si Seth Curry, 22 points para sa Nets. Hindi nakaporma ang Nets sa depensa ng Bulls, may 73.9%…
Read More‘LUTONG GINEBRA’
Ni ANN ENCARNACION TAHASANG sinabi ni Bay Area player Hayden Joel Blankley na ‘luto’ o may dayaang naganap sa PBA Commissioner’s Cup finals, Miyerkoles kung kailan nagwagi ang Barangay Ginebra, 89-82. Sa kanyang Myday post sa Instagram, hiningi ng Bay Area forward ang patas na laban sa best-of-seven finals kontra Ginebra, lamang na ngayon sa 2-1 win-loss record. “Got nothing but love for the Philippines and its people, but at this point it’s obvious, just let it be a fair game, please,” wika niya. Dagdag ni Blankley, nagtala ng 10…
Read MoreBASEBALL: PH HAHATAW SA EAST ASIA CUP
BUMABA sa ika-40 puwesto ang Philippine men’s national team, habang nanatili sa No. 14 ang women’s national squad sa pinakabagong World Baseball Rankings. Isinisi ito ni PABA Secretary General Jose Pepe Munoz sa kawalang aktibidad sa nakalipas na tatlong taon. Laglag ng apat na notches (mula sa dating ika-36 na ranggo) ang PH men’s, habang nasa tuktok pa rin ang Japan, Chinese Taipei at USA. Samantala, ang women’s squad ay nananatiling palaban at magbabalik-aksyon sa Asia Cup sa Mayo. (ANN ENCARNACION) 215
Read MoreATHLETICS: OBIENA TATALON SA ASIAN CHAMPIONSHIPS
SISIMULAN ni Tokyo Olympian pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena ang 2023 sa pagsabak sa Asian Indoor Athletics Championships na gaganapin sa Pebrero 10-12 sa Nur Sultan, Kazakhstan. Si Obiena, bronze medalist sa World Championships noong Setyembre 2022 kung saan nagtala rin siya ng bagong Asian record na 5.94 meters, ay sasabak din sa 32nd Cambodia Southeast Asian Games at 19th Asian Games sa China ngayong taon. Makakasama ni Obiena sa national team na lalaban sa Kazakhstan sina Olympian sprinters Eric Cray at Kristina Knott, at Southeast Asian Games shot…
Read More