KINGS PINALUHOD NG SIXERS

NI VT ROMANO MAGAAN ang naging panalo ng Philadelphia 76ers kontra bisitang Sacramento Kings, 123-103, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila). Lumamang hanggang 28 puntos, bagay na inasahan ni coach Doc Rivers sa kanyang mga alipores. Ang Sixers ay may 34 assists sa 43 field goals, tumanggap ng 15 assists mula kay James Harden, nine kay Tobias Harris at tigatlo sina Shake Milton at George Niang off the bench. Mayroon din silang 51.2% shot sa floor, may 16 triples at umiskor ng 80 points sa first half. “Really the last…

Read More

HORNETS SINALANTA NG SIXERS

MAY 53 points at 11 rebounds si Joel Embiid sa 131-113 win ng Sixers kontra Charlotte Hornets sa Philadelphia. Kasabay ng pagsigaw ng home crowd ng “MVP!” si Embiid ang naging first player sa NBA ngayong season na nakapagposte ng dalawang 50-plus points. Una niyang naitala ang ­league-best 59-point output noong Nobyembre 13 kontra Utah. “The ball just found me,” ani Embiid. “I thought we moved the ball well all night and the ball just found me.” Ikatlong player si Embiid sa Sixers history na may multiple 50-point games sa…

Read More

BULLS DINAGIT NG HAWKS

LAKAS-LOOB na ibinato ni ­Atlanta Hawks’ A.J. Griffin ang bola, 0.5 seconds sa orasan, swak! At tinalo ng Hawks ang Chicago Bulls, 123-122 sa overtime game, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa State Farm Arena sa Atlanta. Perpekto ang assist pass ni Jalen Johnson sa sidelines at walang kabang binitiwan ni Griffin ang fadeaway shot. Ang bucket ni Griffin ay isa lamang sa nakaka-excite na bahagi ng extra period. Una rito, may ­dalawang segundo sa laro, humirit si Trae Young ng clutch 3-pointer para umangat ng two points ang…

Read More

PISTONS KINUYOG NG LAKERS

MATAPOS ang three-game ­losing streak, nakabalik ang Los Angeles Lakers sa win ­column. Nagsanib-pwersa sina ­LeBron James, 35 points, at Anthony ­Davis, double-double 34 points at 15 rebounds, nang dispatsahin ng Lakers ang Pistons, 124-117, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa Little Caesars Arena sa Detroit. “This was a must-win for us, because we wanted to have a successful road trip — at least .500,” lahad ni Davis. “The last game is always the toughest to win.” Mayroon ding seven assists si Davis sa Lakers, nagawang mabalewala ang 38…

Read More

PBA Commissioner’s Cup Final 4 UMAATIKABONG SAGUPAAN

Ni ANN ENCARNACION INAASAHANG blockbuster ang PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinals na magsisimula bukas (Miyerkoles) sa PhilSports Arena. Unang maghaharap sa alas-3 ng hapon ang San Miguel at Bay Area, at main game sa alas 5:45 n.h. ang Barangay Ginebra at Magnolia. Muling masasaksihan ng PBA fans ang ‘Manila Clasico’ sa pagitan ng magkaribal na sister teams Gin Kings at Hotshots. Habang hindi rin padadaig sa No. 1 at guest team Dragons ang naghahangad mag-Grandslam na Beermen. Tuluyang dinispatsa ng SMB ang Converge sa 120-107 win, at winalis ng Ginebra…

Read More

PANALO, 26th ANNIV NI COACH POP

NI VT ROMANO TUMANGGAP si Gregg Popovich ng ‘perfect anniversary gift’ mula sa San Antonio Spurs. Umiskor si Keldon Johnson ng 21 points, nagdagdag si Romero Langford ng 19 at ipinagdiwang ng Spurs ang 26th anniversary ng first game ni Popovich bilang coach via 115-111 win kontra ­Miami Heat. “We won,” sambit ni Popovich. “That’s what I liked the most.” Nagtala si Devin Vassell ng 18 points sa Spurs, habang ­nagdagdag si Zach Collins ng 16 at 13 kay Doug McDermott. Nagsumite naman si Jimmy Butler ng 30 points sa…

Read More

WIZARDS SABLAY SA CLIPPERS

NI VT ROMANO BUMITAW si Nicolas Batum ng tiebreaking 3-pointer sa huling 23.8 seconds, at ipinagkaloob ng Los Angeles Clippers ang ikaanim sunod na talo ng Wizards, 114-107, sa Washington. Nagtala si Paul George ng 36 points sa Clippers at may ambag si John Wall na 13 sa kanyang pagbabalik sa Washington. Pero si Batum ang may malalaking basket sa final quarter. Bumato siya ng tatlong 3-pointers sa huling 4:52 at may total 12 points. Iniskor naman ni Kyle Kuzma ang 25 ng kanyang 35 sa first half para sa…

Read More

PACERS SINILO NG NETS

Ni VT ROMANO MALIBAN kina All-stars Kevin Durant at Kyrie Irving, may limang iba pang hindi sumalang sa laro ng Brooklyn kontra Indiana ­Pacers. Sa kabila nito, naitakas ng Brooklyn ang 136-133 win, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa Indianapolis. Nagtala si Cam Thomas ng career-high 33 points, nagdagdag si Patty Mills ng 24 points para sa ikatlong sunod na panalo ng Brooklyn at pang-anim sa pitong laro. Na-outrebound ng Nets ang Pacers, 59-30 overall at 29-7 sa offensive side. Tumapos si Tyrese Haliburton may 35 points, pinakamalaking puntos…

Read More

GOZUM NG ST. BENILDE, SEASON 98 MVP

NAKAPWERSA ng sudden death Game 3 ang St. Benilde College kontra Letran College matapos magwagi, 76-71 sa NCAA Season 98 finals kahapon (Linggo). Hinirang namang Most Valuable Player (MVP) si Will Gozum ng St. Benilde. Pumuntos siya ng average na 16.9 points at 9.8 rebounds per game, shooting over 53.8 percent from the field, na nagbitbit sa Blazers sa kanilang unang NCAA Finals appearance mula 2002. 182

Read More