CEASE AND DESIST ORDER VS ABS-CBN

IPINATITIGIL na ang operasyon ng ABS-CBN network kasunod ng napasong legislative franchise nito kahapon, Mayo 4.

Nagpalabas ngayon ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) na nag-aatas sa ABS-CBN para maipatigil ang operasyon nito.

Sa apat na pahinang order ng NTC na pirmado ng commissioners nito sa pangunguna ni Commissioner Gamaliel Cordoba, pinagpapaliwanag din ang media network sa loob ng 10 araw kung bakit hindi dapat ma-recall ang frequencies na iginawad dito dahil sa kawalan ng kinakailangang prangkisa na hinihingi ng batas.

Kung mabibigong maghain ng tugon sa ibinigay na grace period ay maikokonsidera itong waiver ng karapatan na marinig at dedesisyunan na ng NTC ang pinal na kahihinatnan ng network alinsunod sa batas.

Una nang nabigong maaksyunan at makalusot sa House of Representatives ang prangkisa ng ABS-CBN. JEFF TUMBADO

352

Related posts

Leave a Comment