CEBU MULING NIYANIG; MAGNITUDE 5.1 EARTHQUAKE NAITALA

MULING nabalot ng pangamba ang maraming residente ng Bogo City nang muling yanigin ng magnitude 5.1 earthquake ang northern part ng Cebu nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ipinararating din sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, isang tectonic quake ang tumama sa hilagang silangan ng Bogo City bandang alas-5:39 ng umaga.

Nilinaw ng state seismic bureau na ang lindol na naitala na nasa lalim na 10 kilometro, ay aftershock lamang ng nangyaring magnitude 6.9 earthquake noong Setyembre 30, 2025.

Naramdaman ang intensity IV quake sa Bogo City, Cebu; Villaba, Tabango, at San Isidro, Leyte.

Intensity III naman ang iniulat na naramdamang pagyanig sa Tabuelan, Cebu; Calubian at Palompon, Leyte, habang Intensity II sa Argao, Cebu.

Ayon sa Phivolcs, nakapagtala rin sila ng instrumental intensities gamit ang kanilang intensity meter na sumusukat sa ground acceleration:

Intensity IV – Villaba, Leyte

Intensity III – Cebu City; Hilongos, Leyte; Ormoc City

Intensity II – Kawayan, Biliran; Talibon, Bohol; Danao, Asturias, Lapu-lapu City, at Talisay, Cebu; Abuyog, at Leyte, Leyte; Hinunangan, Southern Leyte

Intensity I – Culaba, Biliran; Argao at San Francisco, Cebu; Alangalang, Leyte; Monreal, Masbate; Bago City, Negros Occidental; Rosario, Northern Samar; Hinundayan, at Sogod, Southern Leyte; Roxas City at Tapaz, Capiz.

Agad ding pinawi ng ahensiya ang pangamba ng mamamayan sa area dahil walang inaasahang pinsala ang nasabing lindol.

(JESSE RUIZ)

8

Related posts

Leave a Comment