CHINA KASAMA NA SA TRAVEL RESTRICTIONS

SIMULA ngayong araw, Enero 13 ay kasama na ang mga bansang People’s Republic of China, Pakistan, Jamaica, Luxembourg at Oman sa travel restrictions sa Pilipinas dahil sa banta ng mga bagong COVID-19 variants na nakita sa United Kingdom at South Africa.

Inanunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang kautusang ito ay mula sa Office of the Executive Secretary.

“Prohibition on entry to take effect January 13, 2021 at noon (12:01pm) until January 15, 2021 subject to the recommendation of IATF,” ayon kay Sec. Roque.

Nauna rito, nagpatupad ang gobyerno ng travel restrictions sa mga foreign traveller mula Austria, Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, at United States.

Samantala, inatasan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na manatiling mapagbantay at ipagpatuloy ang pagpapatupad ng health protocols para maiwasan ang pagkalat ng bagong variant sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

81

Related posts

Leave a Comment