CIGARETTE MAKING MACHINES, PEKENG SIGARILYO HULI SA BOC-ESS

Naglunsad ng sabay-sabay na operasyon ang Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Enforcement and Security Service Quick Reaction Team (EG-ESS) na dahilan ng pagkakahuli ng cigarette ­making machines, ­counterfeit cigarettes at iba pang paraphernalia sa mga storage facilities na matatagpuan sa Barangay Balagtas, Orion Bataan.

Armado ng Letter of ­Authority (LOA) na pirmado ni Commissioner Rey ­Leonardo B. Guerrero, ang mga ­miyembro ng BOC-ESS sa pakikipag-ugnayan sa Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Philippine National Police (PNP) ay nagsagawa ng inspeksyon sa dalawang storage facilities at nadiskubre ang presensiya ng tinatayang Php 131 Million halaga ng illegal goods.

Ang unang operasyon ay nagbunsod sa pagkakadiskubre ng cigarette making machines at iba pang ­paraphernalia maging rolling paper, foil at plastic ­packaging na may halagang Php 84 Million.

Ang ikalawang operasyon ay nadiskubre naman ang 1,262 master cases ng counterfeit cigarettes na may ibat-ibang brands na tulad ng More, Two Moon, Seven Star, Winston, Fort, Mighty, at Marvels na may halagang Php 47 Million.

Ang mga nasabat na items ay dinala sa BOC facility sa Manila para sa inventory at karagdagang pag-iimbestiga sa posibilidad na pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ngayong ang ekonomiya ay nagsimula nang makarekober mula sa COVID-19, ang Bureau of Customs sa ilalim ng patnubay ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ay nananatili sa kanilang pangako para labanan ang pagdami ng peke at smuiggled items at protektahan ang interes ng lehitimong negosyo sa buong bansa. (Jo Calim)

 

164

Related posts

Leave a Comment