COURIER COMPANY NILOOBAN

CAVITE – Nilooban ng ‘di pa nakikilalang mga suspek ang isang branch ng courier company at tinangay ang hindi pa nabatid na halaga ng isusubastang mga alahas sa Tagaytay City nitong Martes ng umaga.

Ayon sa ulat, bandang alas-6:50 ng umaga nang madiskubre ang sinirang roll-up door ng courier company sa Tagaytay Mendez-Crossing sa Brgy. Mendez Crossing East, Tagaytay City.

Ayon sa customer associate na si Carl, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanilang HR na ang kanilang roll-up door ay napansin na sinira.

Pinuntahan ni Carl ang kanilang establisyemento at nakumpirmang binutas ang roll-up door at pinasok ng mga suspek at tinangay ang ‘di pa nabatid na halaga ng isusubastang mga alahas.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV para sa posibleng pagkakakilanaln ng mga suspek at pag-aresto sa mga ito.

(SIGFRED ADSUARA)

26

Related posts

Leave a Comment