COVID SA PINAS ABUTIN KAYA NG 40K SA JUNE 30?

MUKHANG magkakatotoo ang “forecast” ng University of the Philippine (UP) na aabutin ng hangganng 40,000 ang COVID-19 cases sa bansa pagsapit ng Hunyo a-30.

Sinabi ni Prefessor Guido David ng UP Institute of Mathematics, sa isinagawang press briefing kamakailan ang projection nila ay base sa kasalukuyang takbo ng COVID-19 data.

Noong nakaraang June 10 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 ay nasa 23,732 na. Sa naturang bilang ay may nakarekober na 4,895 at 1,027 ang namatay.

Nitong June 21, labing isang (11) araw ang nakalipas ay naging 30,052 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Noong Marso, matatandaang sinabi ng Department of Health (DOH) na maaaring magkaroon na mahawaan ng coronavirus disease na 75 katao sa mga susunod na tatlong buwan o hanggang June kung hindi makokontrol ang virus.

Sinasabi pa nila na kapag may forecast sila ay hindi naman nila sinasabi na yun talaga ang lalabas, nakadepende pa rin siya sa factors at sa data na pino-provide ng DOH.

Marahil isa itong dahilan kung bakit hindi kumbinsido si Dr. Tony Leachon sa mga sinasabi ng DOH.

Sinabi ni Dr. Leachon na “lost focus” sa kanilang prayoridad ang DOH sa paglaban sa COVID-19 infections.

Marami talaga ang hindi kuntento sa ginagawang pagtugon ng DOH laban sa COVID-19. Kabilang na riyan ang labing apat (14) na mga senador na gustong pagbitiwin si DOH Secretary Francisco Duque.

Maging si Ombudsman Manuel Martires ay hindi kuntento sa pagtugon ng DOH laban sa COVID-19 lalo na ang ma raming pagkamatay ng mga health workers at overpricing na nangyayari sa mga biniling kagamitan ng kagawaran.

Kaya naman magsasagawa ng imbestigasyon ang Ombudsman para malaman nila kung sinong mga opisyal na nagpabaya sa DOH.

Na-PUNA ng ating mga taga-subaybay ang magulong data na inilalabas ng DOH. Tulad ng sinasabi nilang late cases, news cases at kung anu-ano pa.

Ang tawag tuloy ng ating mga taga-subaybay ay natutulog daw sa pansitan ang matataas na opisyal ng DOH.

Naalala tuloy natin na sinisisi ni Sec. Duque kamakailan ang kanyang mga tauhan kaya na-delay ang pagbibigay ng P1 milyong piso sa mga namatay na health workers at P100,000.00 naman para dun sa mga nagkasakit ng COVID-19.

Hindi kaya naisip ni Sec. Duque na command responsilibity niya yung pagka-delay ng mga benepisyo ng health workers?

Marami nang sablay si Sec. Duque maging ang kanyang statement kamakailan na nasa second wave na raw ang COVID-19 sa bansa.

Maraming health expert ang pumuna sa pahayag na ito ni Sec. Duque.

Ang pumuna sa kanya ay kapwa mga doktor at eksperto din pagdating sa kalusugan kaya maraming naniniwala na may problema nga ang DOH sa pagtugon sa covid.

Maging makatotohanan lang po tayo o pairalin natin ang “transparency” nang sa ganun ay walang pagdududa ang nakararami.

Hindi natin pwedeng itago ang katotohan, sisingaw at sisingaw yan lalo na sa ganitong may pandemic. Ang mga kamag-anak ng mga biktima ay hindi natin mapipigilan na magsalita sa naging kapabayaan at kapalpakan.

Pangalawa, dapat inilalabas ang totoong data para alam ng gobyerno kung paano maaayudahan ang lahat ng naapektuhan.

Magtulungan po tayo nang matapos na ang krisis na ito at samahan natin ng panalangin para ang Panginoon ay maawa sa atin.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com

139

Related posts

Leave a Comment