DA SA MGA PINOY: ‘WAG MAG-AKSAYA NG BIGAS

HINIKAYAT ng Department of Agriculture (DA) ang mga mamimili na iwasang magsayang ng bigas at bumili ng locally produced rice para tulungan ang mga magsasaka na lumaki at lumakas ang kanilang kita.

Sa Palace press briefing, sinabi ni Dr. Karen Eloisa Barroga, Deputy Executive Director for Development of DA-PhilRice, na sa ilalim ng “Be RICEponsible” campaign ng DA, isinama ng ahensiya ang mga mamimili para makaiwas sa rice wastage na tinatayang P7 milyong piso kada taon, tulungan ang mga lokal na magsasaka at bigyan ang publiko ng healthy food choices.

“This time we are involving the consumers para po ang… dahil ang rice ay ating staple food so it’s important that it’s not just a matter of technology pushed na iyong farmers ang inaano nating mag-produce nang mag-produce ng rice,” ayon kay Barroga.

“But also, the consumers, they have a role to play by avoiding wastage sa ating food – and doing that is also very helpful for our health,” anito.

Para naman kay Dr. Hazel Antonio, magpapatuloy ang mensahe ng “Be RICEponsible” campaign na simula pa noong nakaraang taon hanggang 2028, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtangkilik sa “locally produced rice” para tulungan ang mga lokal na magsasaka.

Ito ang dahilan kung bakit mababa ng kita ng mga magsasakang Pilipino, nakakukuha lamang ng 49% ng consumer prices.

Sa P50 kilo ng bigas, nakakukuha lamang ang mga ito ng mas mababa sa P25 minus production inputs, ang paliwanag ni Antonio, dahilan para hikayatin nito ang mga magsasaka na magbenta ng milled rice sa halip na sariwang palay para palakasin at lumaki ang kanilang kita.

Samantala, ipinagdiriwang ng bansa ang National Rice Awareness Month, bawat buwan ng Nobyembre alinsunod sa Presidential Proclamation No. 524, nilagdaan noong Enero 5, 2004 naglalayong itaas ang public awareness sa pagsisikap na makamit ang “rice self-sufficiency” at tugunan ang malnutrisyon ay kahirapan.

(CHRISTIAN DALE)

451

Related posts

Leave a Comment