DAGDAG INSENTIBO SA MGA DAYONG TEACHERS

teachers12

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Magkakaroon ng dagdag na insentibo ang mga public school teachers na nagtuturo sa ibang probinsya o kaya ibang munisipalidad lalo na ang mga tumatawid pa sa mga ilog, sapat at bundok para gampanan lang ang kanilang trabaho.

Sa House Bill (HB) 4864 na inakda ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, panahon na umano para bigyan ng karagdagang benepisyo ang mga public school teachers na dumadaan sa hirap bago makarating sa eskuwelahan na kanilang pinagtuturuan.

“Public school teachers can be considered as modern day heroes. They continue to perform their task and guide our youth despite the hardship that they encounter,” pahayag ni Rodriguez sa kanyang panukala.

Partikular na sa mga nahihirapan aniya ay ang mga guro na nadedestino sa labas kanilang barangay o munisipalidad o kaya sa ibang probinsya subalit pareho lang ang kanilang sinasahod sa iba.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na may mga guro lalo na sa mga lalawigan na tumawid pa sa mga ilog, sapa at mga bundok bago makarating sa kanilang pinagtuturuang eskuwelahan.

“This is not only entails additional expenses on the part of the teachers but could also result in other negative effects in the life and performances of the teachers,” ani Rodriguez.

Dahil dito, sinabi ni Rodriguez na dapat bigyan na ng dagdag na insentibo tulad ng P2,000 monthly allowance kapag ang destino ng mga ito ay loob ng kanilang probinsya subalit nasa ibang bayan naman.

Tatanggap naman ng P4,000 na monthly allowance ang mga guro na nagtuturo sa ibang probinsya dahil karaniwang nangungupahan na lamang ang mga dahil mahirap sa kanila ang umuuwi araw-araw.

Bukod ang allowance sa iba pang benepisyo na tinatanggap ng lahat ng mga public school teachers na ayon sa mambabatas ay nararapat lamang lalo na’t hindi kalakihan ang sinasahod ng mga ito buwan-buwan.

175

Related posts

Leave a Comment