Dahil holiday season BOC INULIT ANG PANUNTUNAN SA BALIKBAYAN BOX

DahiL sa pagpasok ng panahon ng kapaskuhan sa buong mundo ay muling inulit ng Bureau of Customs ang panuntunan (guidelines) sa pagpapadala ng Balikbayan Boxes sa Pilipinas.

Ang sinumang magpapadala ng balikbayan boxes sa Pilipinas, maging Corporations, Partnerships, at Sole Proprietors, subalit Qualified Filipinos While Abroad ay maaaring­ ­makinabang sa duty-and-tax-free privilege sa ilalim ng Section 800 (g) ng CMTA.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10863 o ang Customs ­Modernization and Tariff Act 2016 (CMTA), ang ipinapadalang balikbayan boxes ng Qualified Filipinos While Abroad (QFWA) sa kanilang pamilya at kamag-anak ay libre mula sa pagbabayad ng duties at taxes hanggang tatlong (3) beses ng kabuuang FOB/FCA value na hindi lalagpas ng Php 150,000 sa isang calendar year.

Anumang halaga ang ­sosobra sa pinapayagang halaga ay isasailalim sa pagbabayad ng duties at taxes.

Sakop ng QFWA ay mga Pinoy; (1) Overseas Filipino Workers (OFWs) with valid DFA-issued passports, certified by Department of Labor and Employment (DOLE) and ­Philippine Overseas ­Employment ­Administration (POEA) for overseas employment. This also includes Filipinos under job contracts not requiring certification from the foregoing. (2) Non-Resident Filipinos with permanent residency abroad but has retained Filipino Citizenship. Lastly, (3) Resident Filipino Citizens that may include holders of student visa, investors’ visa, tourist visa, and similar visas which allow them to establish temporary stay abroad.

Para sa mga gustong ­makinabang ng nasabing pribilehiyo, ang Bureau ay nagpapaalala sa mga Pinoy na ang balikbayan boxes ay naglalaman lamang ng personal at household na kailangan.

Ang mga ito ay tulad ng mga wearing apparel, personal adornment, gadgets, at toiletries para maging kuwalipikado sa libre ng tax.

Habang ang goods at commercial quantities at ang layunin ay ibebenta, paarkila, o palitan (barter) ay sakop ng duty at tax free previlege.

Ang QFWA/sender ay kailangan mag-sumite ng kumpletong Information Sheet (available from consolidators, value-added service providers, or through Customs Website (customs.gov.ph), photocopy ng biographical page ng passport (or other IDs indicating citizenship may be presented), at invoice/receipt if available, sa International Forwarder o Consolidator.

Ang mga hina-hire naman na International Forwarder/Consolidator ay kailangang mag-submite ng lahat ng documents, kasama ang Information Sheets, sa Bureau of Customs at Philippine Forwarder/Deconsolidator sa isang secured electronic format.

Pinakahuli, ang Philippine Forwarder/Deconsolidator ay kailangan mag-submite ng lahat ng documents, kasama ng Information Sheets received mula sa Consolidator, sa Bureau of Customs sa isang secured electronic format.

Ang hakbang na ito ay nakalinya sa BOC para i-promote ang transparency at ease of ­doing business.

Matatandaan ang Parcel and Balikbayan Tracking System ay inilunsad noong Oktubre 2019 para magbigay ng mas mahusay na tracking parcels at balikbayan boxes na madaling na na-accessed sa pamamagitan ng Customs Website sa customs.gov.ph.

Kaugnay nito, ang senders ay hinihikayat na gumamit ng nasabing system na magbibigay ng updates kaugnay sa kanilang shipment na magiging ng kaalaman sa ibat-ibang stages ng customs clearance.

Kasabay nito, pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa pagpapadala ng kanilang mga bagahe at parcels.

Pinaalalahanan din ang OFWs at claimants na makipag-ugnayan lamang sa lehitimo at accredited forwarders para maiwasan na mabiktima ng manloloko o fly-by-night operators.

(Joel O. Amongo)

142

Related posts

Leave a Comment