Dahil sa away sa lupa MAGSASAKA SA QUEZON PINUTULAN NG KAMAY

QUEZON – Dahil sa away sa lupang sakahan ng mga tenant at ng may-ari ng lupa, isang magsasaka ang pinutulan umano ng kamay ng landlord sa bayan ng San Francisco sa lalawigang ito, noong Martes ng tanghali.

Kinilala ang biktimang si Victorio Salazar, 36-anyos, residente ng Barangay Pugon.

Batay sa report ng San Francisco Police, habang nag-aani ng kanilang tanim na mais ang biktima kasama ng iba pang mga magsasaka nang dumating ang suspek na si Rico Mondilo Jr., 26, computer technician, na armado ng itak at baril.

Tinakot umano ng suspek ang biktima at ang mga kasama nito at inutusang itigil ang pag-aani dahil sa usapin sa lupang pinag-aanihan ng mga magsasaka.

Tinutulan ito ng biktima kaya inutusan ng suspek ang isang magsasaka na kinilala lamang sa pangalang “Wingkiemaso,” na itali ang kamay nito at piringan.

Laking gulat ng mga magsasaka nang biglang tagain ng suspek ang kanang kamay ng biktima na nagresulta sa pagkaputol nito.

Binaril pa ito ng suspek sa kanang paa at saka mabilis na umalis habang agad namang isinugod sa ospital ang biktima.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang tumakas na suspek. (NILOU DEL CARMEN)

425

Related posts

Leave a Comment