Dahil sa pagkalat ng ASF PRICE FREEZE SA RIZAL

RIZAL – Ipinatutupad sa lalawigang ito ang itinakdang price freeze sa basic commodities and necessities sa mga pamilihan sa naturang lugar.

Ito ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Mayo 10 na ilagay sa state of calamity ang mga probinsya o lugar na naapektuhan ng sakit sa baboy na African Swine Fever o ASF.

Inirekomenda rin ito ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa pagkakaroon ng outbreak sa nasabing sakit sa baboy sa 12 rehiyon ng bansa.

Kabilang ang 46 na probinsya, 493 siyudad at munisipalidad na may 2,571 barangay, ang mga tinamaan ng ASF.

Agad nagpalabas ng Executive Order No.13 si Gov. Rebecca Ynares na ipatupad agad ang price freeze na naglalayong bantayan ang mga pangunahing bilihin sa kanyang nasasakupan.

Maging local government units o LGUs ay kanyang inatasan na bantayan, magmatyag at ipatupad ng Local Price Coordinating Council ng Online Price Monitoring System upang mabantayan ang posibleng pagmanipula sa presyo ng mga bilihin.

Ayon sa gobernadora, dapat sundin ang panuntunan na ibinigay ng Local Price Coordinating Council of Rizal (LCCR) katuwang ang Department of Trade and Industry o DTI.

Nagbabala din ito na ang sinumang mahuhuling lumalabag o magmamanipula sa presyo ay may nakatakdang parusa.

Ipinatutupad lamang ang price freeze sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad o nasa ilalim ng state of calamity. (CYRILL QUILO)

126

Related posts

Leave a Comment