QUEZON – Nasawi ng isang dalaga makaraang makurente nang mapahawak sa nabuwal na poste na kinakabitan ng linya ng elektrisidad sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon.
Kinilala ng Atimonan Police ang biktimang si Sarah Jane Sanin, 18-anyos, Grade 10 student, taga-Barangay Lumutan.
Ayon sa report ng pulisya, kasama ang kanyang pinsang babae, naglalakad ang dalawa pauwi sa kanilang bahay matapos bumili ng pagkain, nang madulas ang biktima sa madamong bahagi ng pathway.
Napahawak ito sa posteng kahoy na kinakabitan ng kuryente patungo sa isang bahay ngunit dahil malambot ang lupa dulot ng mga pag-ulan ay nabuwal ang poste.
Bunsod nito, sumampay sa leeg ng biktima ang talop na linya ng kuryente kaya agad nitong nangisay.
Isinugod ang biktima sa ospital ngunit ideneklarang dead on arrival ng doktor. (NILOU DEL CARMEN)
218
