DAVAO CITY – Nasagip ng mga awtoridad ang isang dalagita na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa inakyat niyang tower sa Batulosa, Toril, nitong lungsod noong Biyernes ng madaling araw.
Hatinggabi nang inakyat mg biktima ang tower gamit ang kahoy na hagdanan upang maabot nito ang tuktok ngunit agad itong napansin ng isang residente na tumawag sa mga awtoridad.
Agad namang dumating ang rescue team ngunit umabot pa sa ilang sandali bago nakumbinsi ang biktima na bumaba sa tower.
Napag-alaman na plano ng biktima ang pagpapatiwakal dahil nag-post ito sa kanyang Facebook account hinggil dito.
Ayon sa Toril Police Station, ang nasabing menor de edad ay may maintenance na gamot ngunit sa mga sandaling ‘yun ay hindi nakainom.
Kasalukuyang nasa pangangalaga na ng kanyang mga magulang ang biktima. (DONDON DINOY)
235
