MARAMING netizens ang nagpaabot ng well wishes at prayers para sa agarang paggaling ni Gilas Pilipinas mainstay Dwight Ramos.
Siya ay lumabas nang naka-wheelchair makaraang mapilipit ang kanang bukong-bukong matapos mag-layup sa huling bahagi ng game ng kanyang team Levanga Hokkaido kontra Kyoto
Hannaryz, Linggo sa Yotsuba Arena Tokachi, Japan.
Bago na-rule out sa game ay nakapagtala si Ramos ng 11 points, six rebounds at four assists sa 84-99 loss sa Kyoto.
Isa si Ramos sa key players ng Gilas at inaasahan ng team sa sixth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa susunod na taon.
BROWNLEE
LUSOT NA!
USAPANG Gilas pa rin, inaprubahan na ng Senate Justice and Human Rights Committee nitong Lunes ang proposed Filipino citizenship ni Barangay Ginebra import Justin Brownlee.
Si Brownlee, 34, ay may five championships na bilang resident import sa PBA ng Barangay Ginebra. Naging two-time Best Import na rin siya at ngayong Commissioner’s Cup ay may average 27.0 points, 10.0 rebounds, 7.0 assists, 1.3 steals at 1.2 blocks per game.
Umaasa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Pinoy fans na tuluyan siyang maging naturalized player ng Gilas para sa 2023 window ng FIBA Asian qualifiers. (ANN ENCARNACION)
