DATING ARMY OFFICER KINASUHAN NG SEDITION

SINAMPAHAN ng kasong inciting to sedition ng pamunuan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang dating Philippine Army officer kaugnay ng operasyon noon laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy at iba pa sa Davao City.

Si dating Army captain Clemente Enrique, kilala rin bilang “Dado” at “Iking” online ay ipinagharap ng kasong inciting to sedition ni CIDG chief Police Brig. Gen. Nicholas Torre III sa Department of Justice kaugnay sa paglabag umano nito sa Article 142 of the Revised Penal Code or Inciting to Sedition in relation to Republic Act No. 10175 or Cybercrime Prevention Act.

Ayon sa CIDG chief, nagpahayag ng kanyang seditious statements si Enrique sa kasagsagan ng paghahanap at pagsisilbi ng warrant of arrest kay Quiboloy kung saan si Bgen Torre ang tumatayong Davao Regional Commander.

“Siya (Enrique) ang nanawagan na ang mga pulis at sundalo ay sumurrender sa local government, mag-unload ng baril pointed downwards at abandonahin na ang trabahong inuutos ko at ginagawa namin,” ani Torre.

Isinamang patunay sa inihaing reklamo ang kopya ng mga videos na ipinaskil (posted or broadcast) umano ni Enrique sa iba’t ibang online platforms, na kinabibilangan ng PINOY BLOGGER PH, RODCLIPS 101, at BATANG HAMOG sa YouTube; Rom a Boy Mix Vlog, Bharok Vlog’s, The Bizarre Bulletin, VIRAL News, at Ka Rol (G) sa Facebook; 9182nassakgnirkasronf024 at kuys.juan.tv sa TikTok.

Ayon kay Torre, lahat ay may karapatan magpahayag ng kani-kanilang sentimyento laban sa gobyerno basta ayon at walang nalalabag na batas.

“Hindi natin nire-repress, hindi natin dini-discourage, hindi natin sinu-suppress ang pag-express ng opinyon kahit kontra pa iyan sa posisyon ng gobyerno, ang sinasabi lang natin is that it should be done within the bounds of the law,” paliwanag ng opisyal. (JESSE KABEL RUIZ)

13

Related posts

Leave a Comment