DAYUHANG PROTOCOL VIOLATORS, IDE-DEPORT

BINALAAN ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang mga dayuhang lumalabag sa regulasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na kakasuhan ang mga ito na magiging daan para sa pagpapa-deport sa kanila.

Ayon kay Morente, ang mga dayuhan ay kailangang sumunod sa Philippine laws, at kung babalewalain ang regulasyon ay ito ang magiging dahilan para ipatapon sila pabalik sa kanilang bansa.

Matatandaang noong nakaraang taon, isang Spanish national ang isinailalim sa blacklist dahil sa paglabag sa enhanced community quarantine (ECQ) policies at pagbastos sa Makati police.

Kaugnay nito, muling inulit ni Morente sa mga dayuhan na kung hindi irerespeto ang mga awtoridad ay ikukunsidera sila bilang undesirable aliens.

Idinagdag naman ni Immigration Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr., nakatanggap sila ng ulat na ilan sa foreign executives ng mga kompanya sa Pilipinas ang lumalabag sa IATF protocols sa kani-kanilang mga trabaho. (JOEL O. AMONGO)

262

Related posts

Leave a Comment