DE LIMA GUMASTOS NG P7.4M NOONG ELEKSYON

UMABOT sa P7.4 milyon ang ginastos ni Senador Leila de Lima noong nakaraang eleksyon.

Ito ay batay sa isinumite ng senador na Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections’ Campaign Finance Office.

Sa datos, tumanggap ang mambabatas ng P7,405,000 na cash contributions bilang donasyon.

Ang kanyang partido, ang Liberal Party, ay walang kontribusyon sa kanyang kampanya at hindi rin naglabas ng sariling pera ang senadora.

Sa tinanggap na donasyon, kabuuang P7,402,609.01 ang ginamit ni De Lima sa kampanya.

Nabigo naman ang senador na makapasok sa Magic 12 ng senatorial posts. (DANG SAMSON-GARCIA)

 

159

Related posts

Leave a Comment