Defensor dismayado sa DBP DOKUMENTO NG P1.6-B UTANG NG MGA LOPEZ ‘NAGLAHO’

(BERNARD TAGUINOD)

DISMAYADO si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor matapos aminin ng Development Bank of the Philippines (DBP) na wala na silang hawak na dokumento hinggil sa P1.6 billion utang ng pamilya Lopez.

Sinimulang kalkalin ng Kamara ang nasabing loan ng mga Lopez na hindi na pinabayaran ng nasabing bangko ngunit inamin ni DBP Administrative Legal Department Soraya Adiong na wala na silang hawak na dokumento dahil ibinigay na umano nila ito sa SPV o Special Purpose Vehicle.

Inamin ito ni Adiong sa unang pagdinig ng House committee on good government and public accountability sa pamumuno ni DIWA party-list Rep. Mike Aglipay.

“DBP are you saying now that you don’t have the loan agreement?,” tanong ni Defensor matapos aminin ni Adiong na na-transfer na umano ng mga ito ang lahat ng dokumento sa SPV.

“Mr. Chair, pursuant to assets sale and purchased agreement we are to turnover all documents to Special Purpose Vehicle to allow them to go after the borrowers,” pahayag ni Adiong.

Hindi ito matanggap ni Defensor dahil dapat umanong may kopya ang nasabing bangko.

“I think there is something wrong because I have seen some of those agreement,” ayon pa kay Defensor na sinegundahan naman ni Quezon City Rep. Bong Suntay dahil hindi biro ang halagang sangkot.

Magugunita na isa sa mga nakalkal ng Kamara nang dinggin ang franchise application ng ABS-CBN na pag-aari ng pamilya Lopez ay ang utang ng mga ito sa DBP na ni-write off o hindi na pinabayaran ng nasabing bangko sa kanila noong 2006.

Kabilang sa mga utang ng pamilya Lopez ang P710.86 million loan para sa Maynilad Water; P591.81 million para sa BayanTel; P207.10 para sa

Central CATV Inc., habang sa Benpress Holding na ngayon ay Lopez Holding Corporations, umaabot sa P157.95 million o kabuuang P1.667 billion.

Nanghihinayang naman si DUMPER PTDA Rep. Claudine Diana Bautista sa perang nawala sa sambayanang Pilipino gayung maaari itong magamit upang matulungan ang mga naghihirap na mamamayan.

114

Related posts

Leave a Comment