INUWI ng Pinoy na si Philip Delarmino ang WMC (World Muaythai Council) Asian Featherweight Championships matapos magtagumpay sa home bet na si Zakaria Eljanari via unanimous decision sa Muaythai Night 6 sa Dubai, United Arab Emirates.
Si Delarmino o “El Kapitan” sa Philippine National Muay Thai Team ang unang Pinoy na naging world champion sa naturang combat sport.
Unang nanalo ng gintong medalya si Delarmino sa Muaythai men’s 57-kgs sa 30th Southeast Asian Games sa Manila.
Dalawang beses muna siyang nabigo sa SEA Games bago nakamit ang pinaka-inaasam na ginto noong 2019 edition. (ANN ENCARNACION)
