DELIKADO SA KALUSUGAN: MAPWERSANG PAGBAHING

PAGBAHING

Uso ang sipon ngayong tag-ulan at dahil virus ito ay madali rin itong kumalat.

Ang pagbahing ay kadalasang nangyayari kapag may foreign particles na nakaiirita sa nasal mucosa.

Kailangan nating bumahing dahil beneficial ito upang mailabas ang mucus na mayroong irritants mula sa nasal cavity. Nangyayari ang pagbahing nang biglaan o walang kontrol. May pagkakataon naman na maaaring makontrol ito at ito ang mas dapat na bantayan.

Sa pagbahing iwasan ang magkaroon ito ng matinding pu¬wersa o lakas upang hindi naman maging peligroso ito o mag-iwan ng masamang epekto sa ating katawan o kalusugan. Dapat mas iwasan ang matinding pagbahing lalo na sa mga lalaki dahil karaniwan sa kanila na malakas magbahing.

NAKASISIRA NG RIB

Prone na masira ang rib kapag tayo ay matanda na at under stress. Ang pagtawa, pag-ubo at kahit pagbahing ay may epekto at maaaring magdulot ng pananakit sa tadyang. Sa malalang kaso, ang matinding pagbahing ay maaaring maka-fracture ng rib.

PANANAKIT NG LIKURAN

Hindi rin dapat balewalain kung matapos ang matinding pagbahing ay makararanas ng pananakit ng likuran – ito man ay sa itaas o ilalim na bahagi.

MASAMANG EPEKTO SA SPINE DISC

May mga naitalang pasyente na nasira ang kanilang disc sa gulugod. Ang epekto rin ng pagbahing ay naging daan upang maranasan ang pagkakaroon ng serious disorders gaya ng slipped disc. Ang slipped disc ay nangyayari kapag ang soft cushion sa tissue sa pagitan ng mga buto sa gulugod ay lumabas. Masakit ito kapag tumatama rin sa mga ugat.

PAGKAKAROON NG HERNIA

Ang pagkakaroon ng luslos ay dahil sa pressure sa abdomen. Ang luslos ay karaniwan sa mga lalaki ngunit bihira sa mga babae at maaari rin itong mangyari sa mga sanggol. Ang pressure sa abdomen ay pwede ring mangyari dahil sa mapuwersa o may puwersang pagbahing. Kapag nahihilo, nagsusuka, may mataas na lagnat, lumalala ang pananakit, at nagiging mapula’t maitim ang bukol, ibig sabihin ay malala na ang luslos. Kumonsulta kaagad sa doktor para malaman ang dapat na paggamot dito.

PAGKAKAROON NG PARALYSIS OF LIMBS

Dahil lamang sa pagbahing ay maaaring maparalisa ang hita, binti o hanggang sa paa. Ito ay dahil ang pagbahing ay nagresulta sa matinding trauma upang ang mga buto sa gulugod ay masira dahilan para maging manhid o wala nang pakiramdam ang mga hita.

Hindi rin naman tamang pigilan ang pagbahing dahil may masamang epekto rin ito lalo na sa tenga.

“When you hold in a sneeze, air and pressure can travel up your Eustachian tubes—small passageways linking your throat to your middle ear—and cause your eardrum to rupture,” ayon kay Ahmad R. Sedaghat, M.D., Ph.D., assistant professor sa department of otolaryngology sa Harvard Medical School.

Ang pagpigil din ay maaaring maging sanhi upang mag-pop ang maliliit na blood vessel sa mga mata, ilong, at eardrum. Gayunman bihira itong mangyari pero dapat pa ring pag-ingatan.

829

Related posts

Leave a Comment