DENTAL BANK RECORD POSIBLENG BUUIN PARA SA MISSING SABUNGEROS CASE- DOJ

PINAG-AARALAN ng Department of Justice (DOJ) ang posibilidad ng paglikha ng isang dental bank record upang makatulong sa pagkilala at pagtugma ng mga nahukay na labi mula sa Taal Lake, lalo na’t may narekober nang bungo na may panga at ilang ngipin na buo pa.

“So, we will also start to look for dental records and create a dental bank record, if that’s what you call it, so that we can identify who are these people,” pahayag ni DOJ Spokesperson Mico Clavano sa isang press briefing.

“We know that behind the tooth, there is an area where you can get DNA. So, even if we found dentures, it’s still possible that we can use them as DNA samples,” dagdag pa ng opisyal.

Sinabi rin ni Clavano humingi na ang DOJ ng tulong mula sa pamilya ng mga nawawalang sabungero upang matukoy kung kanino pag-aari ang ilan sa mga narekober na gamit gaya ng mga damit.

(JULIET PACOT)

37

Related posts

Leave a Comment