IBINIDA ng Dessert Museum ang pinakabagong interactive na silid nito sa Pasay City noong Martes, Abril 8, 2025 na inspirasyon ng sikat na dessert ng Jollibee, ang Peach Mango Pie.
Ang pinakabagong atraksyon ay isang collaboration na nagtatampok ng higanteng fruity room na may mga visual at elemento ng klasikong dessert at mga interactive na laro para sa mga bisita nito.
Higit sa lahat, isang dessert station para kumpletuhin ang matamis na karanasan.
(Danny Bacolod)
