NAGPASA ng ordinansa ang Quezon City Council na maglilimita sa paglabas ng mga tao na hindi bakunado laban sa COVID-19, sa nasabing siyudad.Ang City Ordinance na aprubado na sa third at final reading ay ipinakilala nina Councilors Eric Medina, Franz Pumaren, Donny Matias, and Jun Ferrer, Jr.
Ito ay ipinanukala matapos na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Council ay nag-isyu ng Resolution No.22-01, series of 2022, na hinihikayat ang local government units na magpasa ng mga ordinansa na maghihigpit sa paglabas ng mga tao na hindi bakunado.
Ayon sa MMDA Resolution, ang ordinansa ay maghihigpit sa paglabas sa kanilang bahay ng mga hindi bakunabong tao maliban kung para sa kinakailangang rason tulad ng trabaho, pagkain o medical services.
Hindi rin sila papayagang makapasok sa establishments para sa dine-in o iba pang libangan. (JOEL O. AMONGO)
