RIZAL – Nagbigti ang isang Indian national bunsod nang matinding depresyon nang hindi umano makapaningil sa kanyang mga pautang dahil sa pandemya ng COVID-19, sa tinutuluyan niyang apartment sa Maligaya St., Brgy. Tandang Kutyo sa bayan ng Tanay sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang si Manjot Singh, residente sa Apartment 2 sa nabanggit na lugar.
Batay sa pahayag ng pinsan na si Jampal Singh, habang nangongolekta sila ng mga pautang ng isa pa nilang pinsan na si Vikramjeet Singh sa Antiololo City, naisipan niyang tawagan ang biktima dahil may usapan silang magkikita.
Ngunit hindi umano sumasagot ang biktima kaya inutusan niya ang kaibigangsi Karnal Singh na puntahan ito upang alamin kung bakit hindi ito sumasagot sa tawag.
Gayunman, laking gulat ni Karnal nang makitang nakabigti ang biktima sa biga ng kusina ng apartment na tinutuluyan nito at wala nang buhay.
Napag-alaman, malaki pa umano ang sisingilin na mga pautang ng biktima ngunit dahil sa pandemya ay hindi siya nababayaran ng mga umutang na nagdulot sa kanya ng depresyon na nagresulta sa pagpapakamatay nito,
Inaalam pa ng mga awtoridad kung may nangyaring foul play sa insidente. (KNOTS ALFORTE)
