DIGITAL SALN FILING IPATUTUPAD NA SA 2026 – CSC

SIMULA sa susunod na taon, online na ihahain ng lahat ng empleyado at opisyal ng pamahalaan ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), ayon sa bagong patakaran ng Civil Service Commission (CSC).

Sa inilabas na CSC Resolution No. 2400263, papayagan na ang digital filing at online oath-taking para sa SALN upang mas mapadali ang proseso at maiwasan ang abala sa taunang pagsusumite.

“The issued Omnibus Rules on the SALN aim to intensify the promotion of integrity and transparency in government,” ayon kay CSC Chairperson Atty. Marilyn Barua-Yap.

Kasalukuyang isinasagawa pa sa hard copy ang paghahain ng SALN, na kalaunan ay ini-scan ng HR office ng bawat ahensya at ipinapadala sa Office of the Ombudsman. Sa bagong sistema, diretso na itong maisusumite online.

Dagdag pa ng CSC, hindi na rin kakailanganin ang pirma ng asawa sa SALN — partikular na sa mga may multiple marriages na kinikilala ng batas.

“This modernization supports a streamlined and swifter process of filing, making compliance more convenient and accessible for government personnel,” saad pa ng komisyon.

Layunin ng reporma na palakasin ang transparency, accountability, at tiwala ng publiko sa civil service.

(BERNARD TAGUINOD)

28

Related posts

Leave a Comment