DILG sa lahat ng LGUs, PNP commanders SEMENTERYO TIYAKING SARADO

ILANG araw bago gunitain ng sambayanang Filipino ang Todos Los Santos ay inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) at police commanders na tiyaking sarado ang lahat ng private at public cemeteries, memorial parks, at columbariums mula October 29 hanggang November 4, 2020 base na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte.

Pinaalala ni Interior Sec. Eduaro Año na sarado ang mga sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4, na nangangahulugan lamang na anomang uri ng mass gathering sa mga lugar na ito ay ipinagbabawal.

Ayon kay Sec, Año, buwan pa lamang ng Setyembre ay nagbigay na ng direktiba si Pangulong Duterte hinggil sa health safety measures na dapat ipatupad sa All Saints Day at All Souls Day.

Kaya’t inaasahan nila na tutugon dito ang LGUs para na rin sa kaligtasan ng lahat sa gitna ng umiiral na coronavirus pandemic.

Inatasan din ni Año ang mga police commander sa bansa na tumulong para matiyak na compliant ang lahat ng sementeryo sa mga umiiral na quarantine protocols.

Dapat ay natalakay na aniya ng mga alkalde at kanilang local police commanders ang patakaran na ipatutupad sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Ang mga patakaran na ito ay dapat aniyang naaayon sa itinatakdang guidelines ng national government partikular ang National Task Force Against COVID-19 kahit pa narating na ang tinatawag na flattening of the COVID-19 curve.

Sa ngayon, sinabi ni Año na ang bilang ng mga bisita sa sementeryo, memorial parks at columbariums ay dapat limitahan sa 30 percent ng kapasidad nito. (JESSE KABEL)

146

Related posts

Leave a Comment