INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin, ang pagkakaaresto sa DILG national most wanted person sa pinagsanib na operasyon noong Marso 11, 2021 sa Dahlia St., Brgy. Greater Fairview, Quezon City.
Kinilala ni P/BGen. Macerin ang suspek na si Noel Guevarra, 36-anyos, tubong Sorsogon, Bicol at residente sa #46 Sitio Urlina, Brgy. Greater Fairview, Quezon City.
Si Guevarra ay nakalista bilang DILG national most wanted person at may nakabinbing warrant of arrest para sa kasong rape docketed under Criminal Case Nos. 2018-10553P at 2018-10556P-10558P dated December 19, 2018; Criminal Case Nos. 2018-10587C at 2018-10558 na may petsang Pebrero 26, 2019; at para sa statutory rape docketed under Criminal Case Nos. 2018-10554P-10555P na may petsang December 19, 2019, na inisyu ni Hon. Bernardo R Jimenez, acting presiding judge ng Brach 51, RTC Fifth Judicial Region, Sorsogon City.
Ang akusado ay inaresto dakong alas-4:00 ng hapon sa nasabing petsa sa Dahlia S., Brgy. Greater Fairview, Quezon City, ng pinagsamang mga operatiba ng Fairview Police Station (PS-5), sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Melchor Rosales; DID-QCPD, sa pamumuno ni P/Col. Joel Villanueva; IG-ISOD, sa pangunguna ni P/Lt. Col. Mark Joy Batuyong; 4th MFC-RMFB NCRPO, sa pamumuno ni P/Capt. Jul-Musa Saat; Angeles City MFC, 1st PMFC Sorsogon PPC, 504 MFC-RMFB 5 at Sorsogon City Police Station.
Arestado rin sa joint operatives ng PS-5, QCDIT-IG, sa pamumuno ni P/Capt. Kevin Estilles at 5th MFC-RMFB, sa pamumuno ni P/Maj. Perfecto De Mayo Jr., sa bisa ng warrant of arrest, si Nasser Linog, 39-anyos, at residente ng Block 39, Lot 31, Bayer St., Brgy. North Fairview, Quezon City, dakong alas-2:00 ng hapon sa nasabing petsa, sa Bayer St., Brgy. North Fairview, Quezon City, para sa attempted homicide docketed under Criminal Case No. M-QZN-21-01873, na inisyu ni Hon. Analie Oga-Brual, the Presiding Judge ng Branch 41, MTC, Quezon City.
Samantala, huli rin sa bisa ng warrant of arrest si Jonathan Mendoza, 45-anyos, residente sa #15 Juan St., Dantes II Subd., Brgy. Nagkaisang Nayon, Quezon City, dakong alas-2:00 ng hapon ng parehong petsa, sa loob ng PS-4 Custodial Facility sa Quirino Hi-way, Brgy. Nova Proper, Quezon City, para sa kasong paglabag sa RA 10291 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act, docketed under Criminal Case No. R-QZN-13-05806-CR, na inisyu ni Hon. Aurora A. Fernandez-Calledo, presiding judge ng Branch 87, RTC, Quezon City.
Si Mendoza ay nakakulong sa PS-4 simula noong Pebrero 24, 2021 makaraang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest para kasong slight physical injuries. (JOEL O. AMONGO)
