DISCAYA: PASIG GAGAWING SMART CITY

NANGAKO ang negosyante na si Sara Discaya na gagawing Smart City ang Pasig City, upang maisakatuparan ang pagiging isang ‘smart, green at sustainable city’ na may ultimate goal na paghusayin ang urban quality ng pamumuhay ng bawat Pasiguenos.

Nabatid na bisyon ni Discaya, nangungunang kandidato sa pagka-alkalde ng Pasig, katunggali si incumbent Pasig Mayor Vico Sotto, na hindi lamang gawing isang modern urban city ang lungsod, kundi isang “smart city” na makaaabot sa bawat komunidad, partikular na ang mahihirap na pamilyang naninirahan sa lungsod.

Kabilang umano sa kanyang priority projects, sakaling palaring maging top executive ng lungsod, na makapagkaloob ng isang ‘seamless broadband’ at ‘Wi-Fi coverage’.

“In a smart city, there are no dead zones and no dropped calls. Free charging stations are conveniently placed; no one worries about their phone battery dying,” aniya.

Isang matagumpay na negosyante, nais ni Discaya na makapaghatid ng health care resources, direkta sa mga low-income areas na napabayaan na aniya ng kasalukuyang administrasyon.

Plano rin niyang magpatayo ng bagong pagamutan para sa mahihirap, ibalik ang “yellow health card” schemes para sa easy access sa pangangailangang medikal at medisina at iprayoridad ang edukasyon.

“Modern school buildings, free textbooks, workbooks, t-shirts and school materials will be provided to students to enjoy full the benefits derived from local taxes paid,” ani Discaya.

“I want the people of Pasig to benefit from projects to be implemented under my administration through infrastructures, free health services, security/peace and order and enjoy a good quality of life in the city,” dagdag pa niya.

Paliwanag ni Discaya, ang isang lungsod ay ikinukonsiderang ‘Smart’ kung ginagamit nito ang teknolohiya upang paghusayin ang security measures at disaster preparedness.Kumpiyansa si Discaya na kung magiging smart city ang Pasig ay higit na magiging maayos ang buhay ng mga residente.

Tututukan rin aniya niya ang digitalization initiatives upang maging kumbinyente at madali ang ang access sa mga serbisyo ng pamahalaan, bilang pagtalima sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act.

“More and more people move to Pasig but the city is often inadequate and have poor infrastructure programs, lack of concern to its residence, and not enough affordable housing project,” obserbasyon ni Discaya.

“We must be efficient in delivering government services to the people, especially to those who need them most,” giit pa ni Discaya.

Binigyang-diin ni Discaya na ang development challenges ng lungsod ay kailangang resolbahin, gayundin ang mga major urban problems, gaya ng overpopulation, land use, waste at traffic management, air pollution at mga pagbaha.

“These challenges must be resolved immediately,” aniya.

“The coming May 12 midterm elections is not just for popularity, pa-pogi, empty promises, and showbiz image, but it is about for the welfare of the community, the neglected families and the entire citizens of Pasig,” pahayag ni Discaya.

17

Related posts

Leave a Comment