DISIPLINA IGINIIT SA PAGBANGON NG TURISMO

DISIPLINA sa hanay ng mga turista at pagbabantay ng mga pulis ang nakikitang epektibong paraan para masiguro ang tagumpay ng unti- unti nang pagbubukas ng mga tourist destination sa bansa.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng ginagawang mahigpit na paninita at pagtutok ng Tourism Department sa mga posibleng paglabag sa health protocols ng iba’t ibang resort at tourist spots na bukas na para sa mga lokal na turista.

Bukod sa disiplina ay masasabi ring epektibo ang pagde-deploy ng maraming pulis na titiyak na natutupad ang social distancing.

Aniya, hindi naman ibig sabihing binubuksan ang turismo ay babalewalain na ang minimum health protocol dahil naririyan pa rin ang banta ng covid virus.

Inihalimbawa ni Sec. Roque ang lungsod ng Baguio na aniya’y personal niyang nakitang nagpamalas sa pagsunod ng mga health protocol nang buksan ng isang open market ang Session Road.

o0o

 

NEGOSASYON SA SINOVAC ISASAPINAL

 

MALAKI ang posibilidad na maisapinal na ng pamahalaan ngayong linggo ang pakikipag-negosasyon nito sa kumpanyang Sinovac.

Ito ang sinabi ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez kasunod ng pinakahuling pakikipagpulong nito sa pamunuan ng kumpanya nitong nakaraang Biyernes.

Sinabi ni Galvez, sa sandaling maisapinal na ang negosasyon anomang araw ngayong linggo ay isusunod na ang pagsasapinal ng distribusyon.

Iginiit din ni Galvez na ang Sinovac ang target ng pamahalaan na makapag-distribute ng bakuna sa bansa sa buwan ng Marso.

Bukod sa Sinovac ay may ginagawa pa ring pakikipag-usap ang pamahalaan sa iba pang manufacturers ng covid vaccine.

o0o

 

10K TELCOS PERMITS NAILABAS NA

 

TINATAYANG umabot na sa 10,000 na mga permit ng telcos ang nailabas ng iba’t ibang LGUs kasunod ng direktiba ni Pangulong Duterte na luwagan ang pag- iisyu sa permit application ng dalawang higanteng telecommunication company para sa pagpapabuti ng serbisyo ng mga ito.

Ayon kay Anti-Red Tape Authority Dir. Gen. Jeremiah Belgica, ito ay kumbinasyon ng application para sa towers, cable at fiber optics permit application.

Maituturing na malayo na aniya ito sa inisyal na walong porsiyentong compliance ng telcos upang makumpleto ang kanilang documentary requirements at payments of fees.

Ayon kay Belgica, mula sa initial na 1, 572 permit application ng Globe at Smart sa tatlong daan at 35 lungsod at bayan na isinumite sa kanila, lumalabas na nasa 132 applications lamang ang nakakumpleto para sa itinakdang requirements.

Ang datos ay galing mismo sa LGUs na kanilang inisyuhan ng notice to explain. (CHRISTIAN DALE)

155

Related posts

Leave a Comment