DOFIL SINIMULAN NANG HIMAYIN NG SENADO

MATAPOS ang maraming buwan na paghihintay ay natapos na rin ang isinasagawang Senate Committee hearing na pinamumunuan ni Senador Joel Villanueva ng Senate Committee on Labor and ­Employment.

Sa pagtatapos nito ay ­sinimulan naman ang pagpapatawag sa mga stake ­holders upang maging kabilang sa ­Senate Technical Working Group (TWG) upang himay-himayin, pagsama-samahin at talakayin ang iba’t ibang bersyon ng batas na isinampa ng mga senador.

Kabilang dito ang mga ­senate bills nina Senador Christopher Go na Senate Bill 1949 at Senate Bill 202, Senate Bill 1848 ni Senador Joel Villanueva, ­Senate Bill 141 ni Senador Cynthia Villar, Senate Bill 92 ni Senador Aquilino Pimentel III, Senate Bill 593 ni Senador Ralph Recto, Senate Bill 407 ni Senadora Imee Marcos at ang Senate Bill 461 ni Senador Ramon Revilla Jr.

Sa mga nasabing Senate Bills ay ang napagtutuunan ng pansin ay ang kina Go at Villanueva na sa pananaw ng mga OFW leaders ay mas naayon sa kahilingan ng mga OFW.

Kabilang ang AKOOFW sa naimbitahan ng Senado upang magbahagi ng opinyon at saloobin ng mga OFW sa isinasagawang paghihimay sa mga iminumungkahing maging batas.

Sa pagsisimula ng TWG Meeting ay nagbilin ang ­Senate Committee Secretariat na unti-unti o bawat section ang ­gagawing paghihimay kung kaya mas naging madali ang ang pag-uusap.

Sa unang sultada pa lamang ng usapin ukol sa bilang ng mga Undersecretaries ng bubuuing DOFIL ay nagbigay na agad ng rekomendasyon ang AKOOFW na kung saan ay inirerekomenda nito na imbes na (4) ay gawing lima ang bilang ng mga Undersecretaries na kinabibilngan ng Undersecretary for Administration and Finance, Undersecretary for Licensing, Adjudication and Regulation, Undersecretary for Welfare and
Protection. Undersecretary for Migration and Development at Undersecretary for Maritime Concern .

Ito ay taliwas sa panukala ng mga senador na apat (4) na Undersecretaries para sa 1. Administration and Finance, 2. Foreign Employment, 3. Reintegration and Social Services at 4. For Assistance to Overseas Filipinos in Distress.

Nang mapag-usapan ang maaring partisipasyon o katungkulan ng mga OFW sa bubuuin na departamento, iminungkahi ng AKOOFW ang pagkakaroon ng Global Migration Institute na kung saan ay maaring bigyan ng pagkakataon ang mga OFW na makapag-aral ang mga ito upang maging kwalipikado sa anumang trabaho o katungkulan ang mga OFW at maging ang mga matagal ng umuwi sa Pilipinas.

Binigyan diin din ng AKOOFW na dapat ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay i-absorb na sa bagong mabubuong Department of Overseas Filipinos (DOFIL) at ang kasalukuyan nitong tungkulin ay ang siyang maging obligasyon ng DOFIL.

Gayundin, mariin na iminumungkahi ng AKOOFW na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay maging isang attached agency ng DOFIL upang masiguro na mapapangalagaan nito ang sarili nitong pondo na nagmula sa mga ambag ng mga OFW.

Ang pananatili ng OWWA bilang isang buong ahensya ay magbibigay ng pagkakataon sa isinusulong na panukala ng AKOOFW sa pagkakaroon ng OFW Pension plan matapos na muling rebisahin ang RA 10801 na magbibigay pahintulot dito na gamitin ang pondo sa welfare at provident fund.

Sa nakalipas na dalawang araw na TWG Meeting ay ­naging produktibo ito at ­sinisiguro ng AKOOFW na isusulong nito ang kapakanan ng mga OFW at pamilyang OFW.

Sa Martes at sa Miyerkules ay magkakaroon muli ng TWG Meeting at ito ay muli nating dadaluhan.

200

Related posts

Leave a Comment