DOH SUPORTADO BAGONG BALIKBAYAN ACT

SUPORTADO ng Department of Health (DOH) ang panukalang Bagong Balikbayan Act na naglalayong magtatag ng komprehensibong reintegration framework para sa mga overseas FilipinowWorker (OFW) na bumabalik sa bansa.

Ayon sa DOH, mahalagang matugunan ang mga isyung pangkalusugan ng mga returning OFW, kabilang ang mga kondisyong medikal at psychosocial stress na dulot ng pagtatrabaho sa ibang bansa.

Binigyang-diin din ng ahensya ang kahalagahan ng reintegration framework lalo na sa gitna ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan, na maaaring magresulta sa pag-uwi ng mas maraming OFW na mangangailangan ng medical at psychosocial support.

(JULIET PACOT)

90

Related posts

Leave a Comment