DOJ NAGLABAS NA NG LOOKOUT ORDER VS ZALDY CO

NAGPALABAS na ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ang Department of Justice (DOJ) laban kay Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, awtomatiko nang binabantayan ang galaw ni Co simula nang mabanggit ang kanyang pangalan sa imbestigasyon. Nauna nang inirekomenda ng NBI na sampahan ng kaso ang kongresista.

Muling lumutang ang pangalan ni Co sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw matapos ibunyag ng dating security detail niya na si Orly Guteza na personal siyang nag-deliver ng pera sa bahay ng mambabatas.

Mga testigo, under protection

Kinumpirma rin ng DOJ na nasa provisional acceptance ng Witness Protection Program (WPP) sina dating DPWH Usec. Roberto Bernardo, Bulacan District Engineer Henry Alcantara, assistant engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, at ang mag-asawang kontraktor na sina Curlee at Sara Discaya.

Paliwanag ni Remulla, layon ng proteksyon ang pagbibigay ng security at escort, pero hindi ito nangangahulugang ligtas na sila sa pananagutan. Target ng DOJ na matapos agad ang evaluation bago tuluyang gawing state witness ang mga ito.

(JULIET PACOT)

20

Related posts

Leave a Comment