IPATUTUPAD ngayong linggo ng Commission on Elections (Comelec) ang disqualification order laban kay Tarlac City Mayor Susan Yap-Sulit.
Sinabi ng Comelec na hindi nito natugunan ang one-year residency requirement o napatunayang hindi residente ng Barangay Tibag, Tarlac City, isang kasong unang ibinasura ng Second Division.
Ayon kay Comelec Chairman Erwin George Garcia, babawiin ang proklamasyon ni Yap-Sulit bilang nanalong alkalde sa koordinasyon ng DILG.
Sinabi naman ng nadiskwalipikang alkalde na gagawin nila ang lahat ng legal na hakbang para ipaglaban ang katotohanan.
Aniya, handa siyang magsumite ng mga dokumento at ebidensiya para pabulaanan ang mga akusasyon laban sa kanya.
Habang nagpapatuloy ang proseso, mananatili aniya siyang nakatutok sa kanyang tungkulin.
Nanawagan din siya sa publiko at sa mga opisyal ng halalan na igalang ang boses ng mga botante.
Alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong Mangudadatu vs. COMELEC, sakaling matuloy ang diskwalipikasyon, ang Vice Mayor na si KT Angeles ang papalit sa kanyang puwesto.
(JOCELYN DOMENDEN)
27
