DREAM COME TRUE KAY FAJARDO

PROUD si Pinay cager Ella Fajardo na mairepresenta ang bansa kasama ang Gilas Pilipinas Women sa 2021 FIBA ­Women’s Asia Cup.

Katunayan, “dream come true” sa kanya ang makapaglaro para sa bansa sa Women’s Asia Cup na gaganapin sa Amman, Jordan mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 3.

“It is such a surreal moment. It’s always been a dream of mine.” pag-amin sa One Sports’ The Game ni Fajardo, dating naglaro para sa national team sa 3×3 competitions.

“I never expected that it would be this soon that coach Pat ­(Aquino) would trust me to be on the team with my ates. I’ve looked up to them and I’ve watched every single game of theirs. To be ­representing my country and playing alongside them is a dream come true.”

Makakasamang drumibol ng 5-foot-5 guard sa Gilas Women sina Afril Bernardino, Clare Castro, Janine Pontejos, Chack Cabinbin, Khate Castillo, Ria Nabalan, Mar Prado, Andrea Tongco, Kristine Cayabyab, Ann Pingol at Camille Clarin.

Sa ngayon ay puspusang nagpapalakas ang team sa Lipa, Batangas bubble lalo’t malapit nang magsimula ang Women’s Asia Cup. (ANN ENCARNACION)

287

Related posts

Leave a Comment