DRUG PUSHER, GUN RUNNER TIKLO SA MAKATI

drugs200

INARESTO ang isang lalaki makaraang makumpiskahan ng ilegal na droga at baril sa kanyang bahay sa Makati City, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Earl Hubert Sering na bukod sa pagtutulak umano ng ilegal na droga ay sangkot din sa gun running activities.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, makaraang makumpiskahan ng droga at baril sa kanyang bahay sa Puerto Rico St., Barangay Palanan, Makati City.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, sa bisa ng search warrant, nilusob ng mga tauhan ng Intelligence Section ang bahay ni Sering at nakumpiska ang isang sachet ng hinihinalang shabu, dalawang sachet ng marijuana, at kush o high grade marijuana na nakalagay sa container ng kendi, dalawang nakapasong halaman ng hinihinalang marijuana at isang kalibre .38 baril na may mga bala. (DAVE MEDINA)

 

348

Related posts

Leave a Comment